Entry #8 - Pictures

21 0 0
                                    

[01.20.20]

"Pictures"

Pumunta ako sa may bagong bukas na computer shop malapit samin. Ilang minuto din nang mapagpasyahan kong iistalk ang crush ko. I'm busy stalking his timeline and saw a lot of pictures.

"Ang gwapo talaga." I whispered habang nakangiti sa mga pictures niya.
Isa isa ko 'yong dinownload saka copy paste sa MS Word. Ipapaprint ko nalang 'to sa photo paper saka ilalagay sa wallet ko, at yung iba naman ilalagay ko sa frame para i-display sa kwarto ko.

"Ate pa-paprint po!" masayang ani ko.
Napatitig naman si ateng nagbabantay sa computer shop saka ako binalingan ng tingin.
"Boyfriend mo?" nagtatakang tanong niya. Nagagwapuhan siguro kay Jeric.
"Ha? Opo." walang alinlangang sagot ko saka nginitian si ate. Hindi niya naman kilala Jeric dahil schoolmate ko 'yon at malayo sa amin ang bahay no'n.
"Ah ganon ba?" Ngumiti sa akin si ate habang piniprint niya ang mga pictures.
"Ang gwapo po no?" I giggled saka pinipigilan ang pagngiti.
"Oo naman. Inlove na inlove ka sa kanya nak ah?" nakangiting aniya saka iniabot sa akin ang pinaprint ko.
"Halata po ba?" Natatawa kong sagot kay ate habang kinakalkal ko ang wallet ko para iabot ang pambayad ko.
"Oo, bagay nga kayo eh. Ikaw pala 'yon—Sandali!"
"po?" tanong ko kay ate dahil sa sinabi niya. Anong ako pala 'yon?
"Sandali lang nak ah," tatanungin ko pa sana si Ate nang magsalita ulit siya, "Jeric, anaaaak! Halika nga dito!" nanlalaki ang mata ko nang makita ang kadarating lang na crush ko. "—nandito ang girlfriend mo! Hindi mo naman sinabi na girlfriend mo na pala ang crush mo!"
Hindi ko alam ang irereact ko. Mas lalong nanigas ako nang tinignan niya ang hawak kong photopaper na may mga pictures niya.
Tatakbo na sana ako nang biglang hawakan ni Jeric ang kamay ko.

"Where are you going, love?" Nginisihan niya ako saka hinila papalapit sa kanya. "Hindi pa kita napapakilala kay mama."

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon