Entry #3 - I lost her

70 6 0
                                    

[April 30, 2019]

"Love, akala ko ba iiwasan mo na siya?"
Napatingin ako kay Yvonne—girlfriend ko. Hawak hawak niya ang cellphone niya at pinakita sa akin ang litrato naming dalawa ni Shane.

"Magkaibigan lang naman kami ni Shane."

"Ahh." ngumiti siya saka yumuko.

Alam kong nagseselos siya kay Shane, pero ayoko naman sayangin ang pagkakaibigan namin ni Shane dahil lang sa nagseselos siya.

**
"Love, magkasama pala kayo kahapon?"

"Yvonne naman."

"Sorry."

"She's just a friend. Stop being immature girlfriend."

She cried. I left her because of her immaturity.
**

"Love?"

"Bakit?"

"Bakit may picture kayong dalawa?"

"Sorry, wala lang naman yan. Magkaibigan lang naman talaga kami." Napabuga pa ako sa hangin dahil si Shane na naman ang pag-aawayan namin.

"Ahh, gano'n ba?" Ngumiti siya sa akin.

"Sorry, hindi ko na uulitin." I said para lang matahimik na siya. She nodded. Tinitigan ko siya, nakayuko siya at nasa sahig ang paningin. "Nagseselos ka na naman ba?"

Nahihiyang tumango siya.

"Gusto mo bang iwasan ko na siya?"

"Talaga?"

"I promise, iiwasan ko na siya."

"Thank you! I love you!" She kissed me and I kissed her back.

**

"Love, sabi mo iiwasan mo na siya?"

"Ano na naman?"

"Magkasama kayo kahapon?"

"No." naiiritang sagot ko sa kanya.

Ayan na naman ang pagiging possessive niya.

"Why are you lying?"

"Hindi nga kami magkasa—"

"What's this?"

Natahimik ako nang makita ang cellphone na hawak niya. Picture namin ng mga tropa ko kasama si Shane sa bar na pinuntahan namin kahapon.

"I'm sorry. Hindi ko na uulitin." I said in a soft voice.

Hindi ko lang talaga maiwasan dahil magkaibigan kami ni Shane. She's just my friend. Hindi pwedeng iwasan ko nalang bigla.

"Yeah, I heard that so many times." she bitterly smiled. "I feel so unimportant." Her voice was cracked.

"Yvonne naman, magkaibigan lang kami."

"Hindi naman ako aasa kung una palang sinabi mo ng di mo kayang layuan." Tinalikuran niya ako.

Nagsimula siyang maglakad palayo sa akin. Hindi ko na siya sinundan, alam ko namang bukas ay magiging okay din kami.
**

"Dude, okay ka lang?" Napatingin ako kay Justine. Sandali ay nilagok ko ang alak saka tumango.

"I lost her." I smiled.

Muli kong tinignan si Yvonne sa malayo. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. She's still indeed beautiful.

"Tama na 'yan. It's been 1 year." naramdaman ko ang pagtapik ni Justine sa balikat ko.

"Yes. It's been 1 year. Naging kampante akong hindi niya ako iiwan kasi mahal niya ako." Mapait akong natawa saka bibalingan ng tingin si Justine. "Hindi pala porket mahal ka, hindi kana iiwan." Blurred na ang paningin ko.

"Dude, you hurt her."

"I know, pero nagsawa siya. Kapag mahal ka diba hindi dapat magsasawa sayo?" i asked. Nagsimula nang maglaglagan ang luha sa mga mata ko. Muli akong nagsalin ng alak sa baso ko.

"No," napatingin ako kay Justine. "Kapag mahal mo, hindi mo siya hahayaang masaktan."

Naguguluhang tinignan ko siya. Hindi ko maintindihan.

"I don't get you."

"Kung mahal mo, hindi ka gagawa ng ikasasawa niya sayo." He said seriously. Napailing ako.

"No, baka hindi niya lang ako mahal." Iling-iling kong sagot sa kanya saka nilagok ang alaka. He chuckled.

"Mali ka dude. Kasi kung mahal mo siya, hahayaan mo siyang makitang masaya sa iba kahit sa part mo ay masakit na."

Lumipat ang tingin ni Justine kay Yvonne kaya napunta din kay Yvonne ang paningin ko. She hugged her new boyfriend kaya lumagapak sa sahig ang tingin ko.

"Ha?"

"Nakita niyang masaya ka kay Shane, kaya hinayaan ka niya."

"No." Sa kanya lang ako masaya.

"Yes, kasi kung hindi ka naman masaya kay Shane, sasama kaba? Kung hindi ka masaya, susuwayin mo ba siya? Hindi mo iniwasan si Shane. Hinayaan mong masaktan yung girlfriend mo, just because kay Shane."

Natahimik ako. Ngayon ko napagtanto lahat ng ginawa ko.

"You chose 'your friend' over 'your girlfriend."
I laughed bitterly dahil sa narinig ko.
Masakit pakinggan.

"I'm so stupid."

"No, dude." Muli akong napalingon ako kay Justine. "You're asshole."

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon