[May 08, 2019]
"Josh?!"
Nagmamadaling hinabol ko si Josh paakyat ng building. Hinihingal man ay hindi ako huminto maabutan lang siya. I need to talk to him.
"Josh! Sandali!" Hinablot ko ang kanyang braso saka sapilitang hinarap sa akin. Bakas na bakas ang pagkainis sa reaksyon niya kaya naman pumikit ako at napabuga ng hangin sa kawalan.
"What do you want?" he asked.
"Uh—"
"Denisse, kung wala kang matinong sasabihin please lang tigilan mo na ako. I really need to go." Iritado niyang pagpuputol sa sasabihin ko.
Akmang aalis na siya ngunit mabilis kong hinarang ang katawan ko."I-I miss you." I murmured. My voice was cracked. Dumausdos din sa aking pisngi ang mga takas na luha mula sa aking mata.
"You missed me?!" bakas ang gigil sa tono ng kanyang pananalita. Hindi ko 'yon maikakaila. "You left, remember?" he smirked.
"Y-yes pero—"
"What the heck, Denisse! Ano pa bang kailangan mo? Iniwan mo na ako! Stop this dramatic scene!" singhal niya. Mariing pumikit pa siya saka kinalma ang sarili.
"I miss you. I miss the old us." I said on the top of my voice.
I heard him laughing sarcastically. Bahagya pa siyang pumalakpak.
"You missed the old us?! Are you kidding me?" Napailing ako habang hinahayaang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata. "Iniwan mo ko tapos ganyan ang sasabihin mo?" madiing aniya.
Ramdam ko ang galit sa tono ng kanyang pananalita at ganon din sa ekspresyong pinakikita niya. Nakakunot ang noo at halos magsalubong ang mga kilay niya.
"Hindi naman porket iniwan kita ay hindi na kita mahal."Sandaling napatigil siya saka tinitigan ako.
"Liar! Kung mahal mo ako, bakit iniwan mo ako?" he yelled.
Lumunok ako at humugot ng malalim na paghinga. Nagsisimula na ring manginig ang kamay ko.
"Lagi niyo nalang sinisisi ang mga taong nang-iiwan. Why is that? Hindi mo ba alam na masakit din para sa akin na iwan ka?" I asked. "Sinisisi niyo yung mga taong nang-iiwan sa inyo pero ni minsan ba tinanong niyo yung sarili niyo kung may nagawa ba kayo?" I'm broke.
Pagak siyang tumawa saka matalim akong tinignan.
"Masakit pala sayo, pero bakit mo ginawa?"
"Iniwan kita kasi mahal kita. Iniwan kita kasi alam kong doon ka sasaya!" Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Isa-isa at sunod-sunod silang nagbagsakan dahil sa sakit ng nararamdaman ko. "Josh, I left you because I love you."
"Ganyan kaba magmahal? Nang-iiwan?"
"No."
"Stop chasing me, Denisse. Ako ang biktima dito. Biktima ako ng pag-iwan mo." He said boastfully. Ngumiti ako ng mapait saka tinitigan siya.
"Biktima ka dahil iniwan ka? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Porket ba iniwan ka ay biktima kana?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Pinunasan ko ang takas na luha sa aking mata saka hinarap siya. He's staring at me. "Hindi porket iniwan ka ay biktima kana." Umiling ako sa kanya saka yumuko.
"You're crazy! How can you say that?!" inis na aniya.
"I'm the victim here! Nanahimik ako, tapos dumating ka sa buhay ko. Niligawan mo ko. Sinagot kita—"
"At iniwan mo ko." Pagsisingit niya.
Umawang ang bibig ko saka inilipat ang tingin sa kanya. Umiling ako saka tinakpan ang mukha ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong makawala agad sa sakit na 'to. Basang-basa na ang mukha ko. Muli ko siyang pinasadahan ng tingin saka mapait na tinitigan.
"Sinagot kita pero pinaglaruan mo ako." nakangiting sagot ko sa kanya.
His eyes widened and his jaw literally dropped.
"How dare you?"
"I left you, remember?" I sobbed. "I left you kasi pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo."