...
TAEHYUNG KIM
active nowTaehyung
babyy andito na ko kila yoongiJennie
ge punta na kayo ditooTaehyung
see ya😙Jennie
mmm..hahaha sige♡Taehyung
i'm so excited baby♡Jennie
kaya nga bilisan nyo naaTaehyung
sige sige, eto na nga eh...
Dingdongg~~
"Sweetie! Nandito ang pinsan mo at saka kaibigan nya! Bumaba ka rito!" tawag sakin ni mommy.
"Coming!" sagot ko saka bumaba. Nakita ko si kuya at Taehyung na nakaupo at kausap si mommy.
"Bakit ka napabalik dito Yoongi hijo?" tanong ni mommy.
"Hindi ko rin po alam tita, nagpasama po sakin to eh.." turo ni Yoongi Oppa kay Taehyung.
"Bakit naman??" baling ni mommy kay Taehyung.
"Hmmm, bumisita po? Hehe" sagot nya.
"Teka nga..sabihin mo nga? Nanliligaw ka sa anak ko no? Uuuuuuyyy!" biro ni mommy!
"Pwede ho ba?" nagbibiro ding tanong ni Taehyung.
"Oo naman hahaha! Sa gwapo mong yan eh bakit hindi?"nagbibiro parin si mommy.
"Hehehe, p-pero seryoso po...pwede ko ho bang ligawan ang anak nyo?" biglang seryosong tanong ni Taehyung!
Medyo nanlaki ang mata ni mommy! "Syempre naman! Basta wag mong sasaktan ang anak ko.." sagot nya at nagulat ako don pero napangiti rin agad. Tinignan ko ang mukha ni Taehyung at hindi maipaliwanag ang tuwa sa mukha nya!
"Hindi ko po maipapangakong hindi ko sya sasaktan.." sabi ni Taehyung at nagtaka naman ang mukha ni mommy. "Pero nasisiguro ko po na gagawin ko ang lahat wag lang sya masaktan." sinserong sabi niya! Napangiti naman ng todo si mommy dahil don.
BINABASA MO ANG
True Love Never Dies | Taennie
Fanfiction⚠WARNING!⚠ Some words are inappropriate for young readers. Read at your own risk. I don't believe in the saying "First Love Never Dies". For me it's more like "True Love Never Dies". I don't care if you don't think the same as me. You don't like the...