Halos mapatalon pa ako sa gulat nang biglang tumugtog ang gitara at mas lalo akong nagulat nang makita si Taehyung sa harap ko na naka formal na suot at may hawak na mic!
Kumanta si Taehyung sa harap ko at nagsesecond voice naman sina Jisoo habang si Lisa at Jungkook, Momo at Jhope ay sumayaw na ng mabagal!
Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag- ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit, sa tuwing ako'y lumalapit
Ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan
'Pag may kasama kang iba~Hindi ko mapigilang mapangiti ng todo! Ito ba yung ginawa nya kaya sya nalate sunduin ako?? Gago kinikilig ako! Ang sweet nya! Hahaha!
Lalo akong napangiti nang masilayan ko din ang ngiti nya! Ibinulsa nya ang mic nya at hinawakan ang dalawang kamay ko!
Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa iyo, at ika'y akin lamang~Backup singers ang kumanta ng part na yon nang nakamic. Kinanta rin ni Taehyung yon sa harap ko nang kaming dalawa lang ang nakarinig! Pero..hindi ko namalayan na sinabayan ko pala syang kantahin yun!!!
Soooobraaangg lawak na ng ngiti naming dalawa habang nakatingin sa mata ng isa't isa!
Peroo......
Binitawan nya ang kamay ko. Tumigil sa paggigitara sina Rosé. Tumigil sa pagsasayaw sina Lisa. Nanahimik yung nga singer. Nagulat ako nang magtayuan silang lahat at may ginawang kung ano!
Nagulat ako nang makitang may hawak silang malalaking..... tarpulin??
Umakyat sila ng stage at nakahilerang tumayo don..
Unang nagbuklat ng tarpulin ay sina Jungkook, Jimin, at Jin. Ang nakalagay don ay.. 'Jennie'
Sunod naman ay sina Lisa at Rosé. Ang nakalagay naman ay.. 'Will'
Pangatlo ay sina Jisoo at Nayeon. Ang nakalagay ay.. 'You'
Sunod na nagbuklat ay si Namjoon. Ang nakalagay sa tarpulin nya ay.. 'Be'
Next ay si Jhope. Ang nakalagay don sa hawak nya ay.. 'My'
And lastly ay sina Kuya Yoongi, Jihyo, at Momo. Ang nakalagay naman sa hawak nila ay.......'GIRLFRIEND?'
Natulala ako sa nakita at nabasa ko!
'Jennie, will you you be my GIRLFRIEND?'
Hindi ko pa napansin na umakayat na rin pala si Taehyung dun sa unahan at naiwan na ako dito!
Nagsalita sya sa mic at..
"Jennie baby? Will you be my girlfriend?" nakangiting tanong nya ngunit bakas ang kaba sa mukha nya!
Nakangiti akong tumango ng sunod sunod! Tumalon naman si Taehyung pababa at nagtatakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit!!
"Talaga baby?! Girlfriend na kita?!!" masaya ang tonong tanong nya sakin habang nakayakap parin!
"Ayaw mo ba?" pabirong sagot ko! Hahaha!
Napakalas sya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat!
"Baby naman eh! Syempre gusto ko, gustong gusto.." nakangiting sabi nya. Ngumiti nalang din ako.
"Ahmm..Jennie," maya maya'y sambit nya.
"Hmm??"
"I love you.." kumabog ng todo ang puso ko sa sinabi nya! Sa dinamidaming nagsabi sakin ng mga salitang yon ay sa kanya ko lang naramdaman ang ibig sabihin non..maliban kay mommy at kuya Yoongi syempre. Pero ramdam na ramdam ko talaga ang pagiging sinsero nya!
"I love you too.." wala sa sariling sagot ko!
Pero okay lang, totoo naman eh..
Napangiti syang mas malawak at niyakap ulit ako! Niyakap ko rin sya syempre.
"I love you Jennie, I love you so much.." bulong nya pa.
"I love you so much, Taehyung.." bulong ko din at mas hinigpitan nya pa ang yakap sakin.
"Kyaaaahhh!!!"
"Uuuuuuyy!!"
"Nice ang sweeeeett!!!"
"Naiinggit na ko hoy!"
"Tama na yan!!!"
Rinig king sigawan ng mga kaibigan namin na nasa stage parin! Hahaha! Bahala kayo dyan! Basta ako, naaaaaapakasaya ng puso kooo! ♡♡♡
Damn, I love this man..♡
BINABASA MO ANG
True Love Never Dies | Taennie
أدب الهواة⚠WARNING!⚠ Some words are inappropriate for young readers. Read at your own risk. I don't believe in the saying "First Love Never Dies". For me it's more like "True Love Never Dies". I don't care if you don't think the same as me. You don't like the...