♡25

250 8 0
                                    

Nakaupo kami ni Taehyung dito habang kumakain.

"Matagal na bang ganun si Yoongi sayo?" maya maya'y tanong nya.

"Anong ganun?"

"Overprotective"

"Ahh, oo..bakit?"

"Eh kasi, magpinsan lang kayo tama ba?" tumango ako. "Pero kung protektahan ka nya daig pa nanay mo.."

"Ewan ko dun, ang oa nga eh..pero sadyang ganun na sya sakin, bata palang kami..ayaw nyang nakikipaglaro ako sa mga lalaki dahil bawal daw akong magka-crush--lagot daw ako kay mommy..gusto nya, sya lang ang lalaki na nilalapitan at kinakausap ko..tsk, daig pa jowa e.." kwento ko.

"Pero ang sweet no??"

"Mmm, sweet naman..pero pag sumobra hindi na nakakatuwa.."

"Hahaha! Baka marinig ka nun.."

"Hahaha" tawa ko nalang din.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah?" rinig kong singit ni kuya.

Nilingon ko sya at nakatayo sya sa likod namin. At maya maya ay umupo sa tabi ko. Bale pinapagitnaan nila ako.

"Ano namang pinaguusapan nyo?"

"Yung pagiging oa mo." sagot ni Taehyung!

Sira ulo.

"Ano?!" sigaw ng putanginang highblood na Yoongi.

"Totoo naman eh! Hahahaha"

Tumawa rin ako!

"Tsk! Mali ata ang naging desisyon kong  pumayag na lumapit ka sa pinsan ko!"

"Bakit naman??" tanong ni Taehyung.

"Eh pagtutulungan nyo lang ako sa pangaasar nyo e!"

"Hahahahahaha!" tumawa lang kami ni Taehyung.

Dumidilim na ang langit, at ang sunod na naming gagawin ay magbukas ng disco lights, maginuman at magsayawan!

True Love Never Dies | TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon