Makalipas ang 20 mins.!!!!!! Saka palang dumating si Taehyung!
Nagdoorbell sya at pumasok. Hindi ko sya kinausap. Sandali pa syang nakipagchismisan sa ina ko saka ako niyayang umalis na.
Hindi ko na sya inintay na pagbuksan ako at ako na ang kusang sumakay, iiling-iling naman syang umupo sa pwesto nya.
"Galit ka ba?" rinig kong tanong nya. Nagaalala ang tono ng boses nya pero di ko manlang sya nilingon.
"Jennie..sorry na kung ano man nagawa ko.."
"Tara na baka malate pa 'ako' " malamig na sabi ko at diniin yung word na 'ako' para kunwari ay wala akong pakealam sa kanya! Bahala ka dyan!
"Jennie naman--"
"Tara na nga eh! 'Late' mo na nga akong pinuntahan tapos dadaldal ka pa!" diniinan ko talaga yung word na 'late'!
Hindi ko na sya narinig na nagsalita at pinaandar nalang ang sasakyan. Tahimik lang kami hanggang sa marating ang school...
Pero teka...bakit nandito kami sa gym? Wala namang sinabing sa gym ang deretso ah??
BINABASA MO ANG
True Love Never Dies | Taennie
Fanfiction⚠WARNING!⚠ Some words are inappropriate for young readers. Read at your own risk. I don't believe in the saying "First Love Never Dies". For me it's more like "True Love Never Dies". I don't care if you don't think the same as me. You don't like the...