(SAMIRA ALMIREZ POV)
"Auntie! Gising na! Yung breakfast ko!"
"Shut up..." Tinago ko yung mukha ko sa unan ko. Akala ko tahimik na ang lahat nang biglang parang nakaramdam ako ng earthquake sa kama ko. "What the!"
"Gising na! Papasok na ako maya-maya. Magluto ka na, Auntie Sam."
"Ayos ha!!!" Tumayo ako at napasigaw sa kanya. Gising na gising na talaga ako. But I woke up NOT because of his soft, deep voice, not even because he kept on shaking me, and most especially NOT because a hot guy playing 'damulag' is waking me up.
"Tinatawag mo lang akong Auntie kapag may kailangan ka!"
"Eh kung tumayo ka na lang kasi jan at magluto na." Kinaladkad niya ako paalis sa kama at itinulak ako palabas ng kwarto ko papuntang kitchen."Nakikitira ka lang dito ha! Kaya magluto ka na jan, Sam! Bilisan mo, I'm hungry!" he said, habang hinihimas ang kumukulo na nga niyang tiyan.
At kumukulo na din ang dugo ko. "Nice! Sam na lang ulit? Wala nang Auntie? Talaga naman oh!" Pero nagluto na lang ako, wala nang choice eh.
So multiple choice, sino naman ba ako sa lalaking ito?
a. Bedspacer
b. Auntie (during his needy times)
c. Katulong (almost all the time)
The answer? None of the above! Ay mali pala, ALL OF THE ABOVE! Takteng buhay 'to oh!
So if you ever gonna ask why my life end up like this, it all happened one week ago.
(๏̯̃๏)
One week matapos mag-start ang klase sa Edinham School of Art, nakahanap din ako ng matinong apartment. I'm nineteen, at ngayon lang ako na-separate kay Kuya Rico. He's my brother, now 39 years-old, and my only family after our parents died in a tragic fire accident. Twenty years ang agwat namin, grabe noh! Ewan ko ba sa mga magulang ko.
Anyway, Rico is my brother/father/mother after namin maging orphan. Hindi ko na kasi maalala yung mama at papa ko, masyado pa kasi akong bata nung nawala sila.
Tapos, medyo nalungkot ako that Kuya Rico end up marrying Pia, last year. Kasal na sa iba si Pia, naghiwalay lang sila ng first husband niya. May anak silang lalaki, at balita ko, bata pa siya nang ipagbuntis niya ang batang iyon. I'm not really sure.
So, its ordinary na maging against ako sa relationship nila. Pero hindi rin nagtagal, Pia proved her worth kaya pumayag na lang ako na ikasal sila. Nakatira ako sa kanila after nilang ikasal, pero dahil sa nakakakilabot nilang sweetness, nagpasya na akong maghanap ng sarili kong apartment. Para na rin makapagsarili na ang dalawa at makabuo na ng pamilya nila.
After kong mag-nineteen, at saktong first year college na rin naman ako, I decided na lumipat dito sa apartment na ito. Thirty minutes lang layo sa university ko kaya ideal na din.
"Ate anong meron?" May mga pulis kasing rumuronda ngayon sa subdivision namin.
"Hindi ko rin alam eh?" Ang sungit ni ate, tinalikuran ako bigla.
At dahil ayokong machismis na chismosa, umakyat na ako sa second floor. Pumunta ako sa apartment ko at binuksan ito. "Home sweet home!"
Medyo madilim, but I'm not afraid of the the dark. Sinarado ko na ang pinto ng apartment ko at saka ko lang binuksan yung ilaw. Paglingon ko, "What the fu..."Nanlalaki ang mga mata. "What the... fuss?" Hindi ako nagmumura kahit kamura-mura na ang loob ng apartment ko. Nagkalat lahat ng gamit ko, at parang pinasok ito nang magnanakaw.