(ELEAZER PASCUAL POV)
"Ikaw? Auntie ko? Pakelam ko kung asawa na ng kuya mo ang mommy ko!"
"Grabe ka na magsalita ha! Tandaan mo mas matanda pa rin naman ako sa'yo"
"The heck I care! Matanda ka nga, pandak ka naman!" Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng noodles. Pagkasabi ko nun, nanahimik siya. Tama lang noh! Baka sa labas ko siya patulugin eh.
At lalong wala siyang karapatang sumagot dahil una sa lahat, nakikitira siya sa bahay ko. Pangalawa, nakikain pa siya ng noodles ko, at pangatlo! Ang pinaka mahalaga sa lahat, sinipa niya ang pagkalalaki ko. Takte, naalala ko, sumakit tuloy ulit.
After kong manood ng basketball game sa TV, pumasok na din ako sa kwarto ko. Iniwan ko siya sa living room, bahala na siya sa buhay niya.
*riiiiinnnnngggggg*
Alas-sais na? Umaga na agad! Amf! Nakakatamad pumasok! Pero dahil sa mas nakakatamad ang tumambay dito sa bahay, papasok na lang ako.
Pagdating ko sa school,"Idol!!!" Bungad agad saakin ng dalawa kong tropa, sina Waine at Argel. "Aga natin ngayon ha."
Naupo lang ako. Sarcastic yung pagkasabi nila na maaga daw ako. Late kaya ako ng 20 minutes. "Si Sir Kulot?" adviser namin. Actually kulubot dapatnickname ko dun eh, mas kyut lang yung kulot.
"Umalis sandali. Good timing ka ha. Kanina ka pa hinahanap nun eh."
"Idol lagot ka dun..." Ako lagot? Tignan natin!
Then Sir Kulot entered the room. Napatingin siya saakin at sabay sabing, "Mr. Pascual, you're late."
"I know." Nagtitigan kami, pero syempre obvious naman kung sino ang mananalo.
"Alright, continue na tayo sa lesson class." Ahahahahahaha! Tinignan ko sina Waine at Argel, nang nagyayabang.
"Idol ka talaga." Pssss! Ako pa!
Ngayon kung itatanong niyo kung bakit hari-harian ako dito, that's because anak ako ng isa sa may-ari ng school namin. Si papa, half-Korean na nasa Korea lang ngayon, ay isa sa mga co-founder at may may biggest share sa South Grisham High School.
Ah! Bukod pa nga pala sa connections ko, I'm a Sahun or a Master! Eighth degree black-belter in Taekwondo. Isang degree na lang, pwede na akong tawaging Grand Master or Sasung. And because of that, mas lalong walang pwedeng bumangga saakin.
(¬_¬)
"Uwi na ako mga pre!" Tatlong oras na din kasi ang lumipas nung matapos ang klase namin at tumambay muna kami sa bahay ni Waine.
"Sige idol! Bukas, sa inyo naman kami tatambay ha!"
"Ha? Wag muna!" May dalawang dahilan ako kung bakit ayaw ko silang papuntahin sa bahay. Una, wala pa silang alam na may kasama na ako sa bahay. Baka mamaya kung ano pa isipin nila. At pangalawa, "Walang pagkain sa ref."
"Tamad ka lang mamili eh. Ang dami mo namang pera, puro noodles lang binibili."
"Lakampake!" Kinutusan ko si Waine. Eh favorite ko noodles eh! Hindi actually, tamad lang talaga ako mamili. "Sige na! Uwi na ako!"
At umuwi na nga ako. Magkapit-bahay lang sina Argel at Waine, at ako lang ang nalayo ng bahay. Magsi-six na nang gabi at pagdating ko sa main gate ng village namin, nakita ko si Pangit.