(ELEAZER PASCUAL POV)
"Salamat Eli..." Bulong niya saakin habang nakayakap!!!
So kasalanan ito ng reflex ko ha... na niyakap ko din siya pabalik. "Okay na yun... syempre gagawin ko yun dahil mahal kita." ANAK NG!!! Reflex din ng bibig ko yan!!!
"Mahal mo ako?" Napalayo siya saakin.
"BILANG AUNTIE!!!" Napalunok ako. "Syempre Auntie kita... nephew-in-law mo nga ako diba."
Nagkatitigan ulit kami, pero ako na unang sumuko. Hindi ko na siya matignan sa mata, kaya mabuti pang umiwas sa kahihiyan kong ito! "Akyat na ako sa taas ha."
"ELI!" Bakit na naman ba? Nahihiya na nga ako!!! Lechugas naman oh!
"Bakit?"
"Ang... ang ibig sabihin ba ng sarang ay love?"
Natigilan lang ako. Paanong... "Teka... inalam mo ba yung meaning nung sinabi ni Sunmi?"
"Sabihin mo na lang Eli... love ba yun? Isang word lang naman yung naaalala ko sa sinabi ni Sunmi eh."
"Eh bakit hindi mo muna i-translate yung sinabi din saakin ni Sunmi?"
"Ako naunang nagtanong sayo. Bakit ba ayaw mong sabihin?"
"Ibabalik ko lang sayo yung sinabi mo, bakit ayaw mo ring umamin saakin?"
"Anong aaminin ko?"
"Malay ko!!!" Kunyari pa! "Na mahal mo ako? Umamin ka na nga Sam!"Umamin na kasi para hindi na kami mahirapan pa! Tumatagal pa eh!
"H... hindi noh!"
"Hindi mo ako mahal? Wooosshh!! Sinungaling! Matagal ko nang halata, kunyari ka pa!"
"Bakit kailangan sayo manggaling yan! Gaano ka ba kasigurado ha?"
"KASI ANG TAGAL NA SAM!!! Sabihin mo na lang para matapos na!!!" Ang kulit ng babaeng 'to!
Tapos naupo siya sa sofa. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? May kinuha siyang notepad at dalawang ballpen mula sa bag niya. Inabutan niya ako ng papel at nung isang ballpen. "Isulat mo jan yung meaning nung sinabi saakin ni Sunmi. Tapos isusulat ko din yung translation nung sinabi niya rin sayo. Tapos trade tayo."
"Ano ako ulul?" Tumalikod ako, at umakyat na sa taas. Hindi ako makikipagka-sundo ng ganun ka-simple! At isa pa, saka ko lang sasabihin kapag umamin na siya! Ayoko ngang mapahiya, wala sa vocabulary ko yun!
Pagpasok ko sa kwarto ko, nahiga ako agad sa higaan ko. "Amp naman kasi, bakit ayaw niyang umamin! Dapat hindi nahihiya ang mga babae kung gusto nila yung lalaki! Anong malay nila, baka gusto din sila nung lalaki, hindi lang marunong manligaw! O baka sige, natotorpe!"
TAKTE NAMAN OH!!! Tapos sinuntok-suntok ko yung unan. Sana pala binugbog ko ng sobra yung mga ugok kanina, naghahanap tuloy ako ng mapagbubuntungan ng asar ngayon!
Maya-maya, kumatok na naman siya. Pagbukas ko, winawagayway niya sa mukha ko yung notepad niya. "Nakasulat na dito yung meaning Eli oh."
"Oh... ano naman?"
"Ayaw mong malaman?"
Ako pa kinulit mong babae ka ha! Hahablutin ko sana yung notepad niya kaso, ang bilis niyang naiwasan. "Ops!!! Hindi mo makukuha ito nang ganun lang!"