(SAMIRA ALMIREZ POV)
After kong magluto, tinawag ko na sina Eli at ang mga kaibigan niya para kumain. Nang maupo kami sa harap ng lamesa.
"Wow! Ano yan?"
"Mukhang masarap! Ang bango pa!"
Syempre natuwa naman ako. "Sweet and spicy crab."
Paki-google na lang kasi hindi ko pa nga ini-explain kung ano yung niluto ko, kumain na agad silang tatlo. Sa totoo lang, nakakatuwa naman silang tignan. Sarap na sarap silang kumain.
"Auntie Sam, tubig nga!"
"Ha? Hindi pa nga ako kumakain eh." Pero sige, dahil tinawag niya akong Auntie Sam, ikukuha ko sila ng tubig.
Paglagay ko nang pitchel ng tubig sa harapan nila. "Nasaan ang mga baso? Ano 'to kakamayin namin ang pag-inom?" Aba't! Siya na nga pinagluto eh."Sa susunod kasi kumpletuhin mo kapag nag-aayos ka ng mesa."
Hindi na sana ako papayag eh, kaso sumagot naman 'tong mga kaibigan niya."Sige na po... please, mabubulunan na kami."
"Please... Ate Sam." Ang wawagas ng mga ngiti nila. Pasalamat kayo mga cute kayo! So kinuhaan ko na lang sila ng baso.
Pagdating ko sa lamesa, kumain na din ako agad. Nagpaka-busy na ako, baka mamaya kung ano pang iutos nila saakin.Tapos napatingin ako sa kanilang tatlo. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nao-OP nga ako eh, sobrang close kasi nila. Pero grabe, ang gagwapo nila. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napalibutan ng mga ganitong kaga-gwapong lalaki. Kaso, parang ginagawa nila akong utusan eh.
"Oh, dahil ako ang nagluto, kayo na magligpit nitong kinainan at maghugas ng plato ha." Natigil sila bigla sa pagtawa. Seryoso ako. Sakto din, tapos na kaming kumain.
Nagtinginan silang tatlo, at parang may binabalak. Maya-maya, hinawakan ni Waine ang left hand ko. Tapos si Argel naman, hinawakan ang right hand ko. Ano 'to inlove na ba sila saakin? Hindi pwede!
Tapos tumayo naman si Eli, at inilapit ang mukha niya saakin. Ano ba'to, hina-harass nila ako ng mga kagwapuhan nila. "Auntie Sam, ang sarap mo talagang magluto." Sinabi niya nang sobrang sweet at ang lamig pa ng boses niya.
"Oo nga... pwede bang gawin ka na lang din naming Auntie?"
"Oo nga, Auntie Sam."
Napapikit ako. Ang sarap ng feeling na nire-respeto nila ako nang ganito. Auntie Sam daw... "Oh... oh sige..."
Then I felt na parang wala nang tao sa paligid ko. Wala nang nakahawak sa kamay ko, at parang narinig ko silang nag-alisan sa lamesa. "Hoy!"
"Oh, si Auntie Sam na ang magliligpit at maghuhugas niyan! Tara PS3 tayo!"
"Sige Idol tara!
"Thanks Auntie Sam!"
"Mga adik na 'to!" Naisahan ako dun ha! Pati ba naman sa mga kaibigan nitong pamangkin ko, magiging katulong ako? Grrrrrrrr!
<(ὸ.ό)>
Natapos na ako sa pagiging dishwasher, kaya pumunta na ako sa living room para panoorin sila. Busy sila sa paglalaro, kaya naupo ako sa isang upuan.
"Sam, gusto mong maglaro?" In-offer nung Argel. Wait... Sam? Nasaan na napunta yung Auntie kanina? Crap naman! Magkaibigan nga sila ni Eli.