CHAPTER 4

187 3 0
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Hindi ko naman sukat akalain na magiging parusa ang pagpayag ko bilang cook para sa lalaking yun.

"Auntie Sam, gising na." At nung unang beses na tinatawag niya akong 'Auntie Sam,' ang saya-saya ng feeling! But after a week na ginigising niya ako ng alas-sais para ipagluto siya, kalbaryo na! "Auntie Sam!!! Gutom na ako!!!"

"Sabado naman ngayon! Walang pasok! Mag-instant noodles ka kung nagugutom ka!"

He lifted me up kaya napadilat ako. Lagpas isang linggo na rin akong nakatira sa bahay niya, at ganito na kami ka-close. Close as in winawalang-hiya na niya ako.

"Ano ba! Aray! Yung mga sugat ko!" Kinaladkad niya ako pababa hanggang sa makarating kami sa kitchen.

"Anong kaartehan yan! Wag ka ngang mag-pretend na nasasaktan! Hindi ko tinamaan ang mga sugat mo." All right, panalo siya! Palusot ko lang yun."Mag-luto ka na!"

Naupo siya sa lamesa para siguraduhing magluluto na nga ako. "Blueberry-CHEESE pancakes! Gusto ko ulit nun." I just sighed. Nung nalutuan ko kasi siya ng recipe ko na yun, naging favorite na niya. Or maybe because of the cheese.

After a couple of minutes, "Oh yan." I served him what he wanted. 

Hindi na niya ako pinansin at kumain na siya agad. "Orange juice..."Sabay kindat saakin.

"Kumuha ka!"Feeling niya ang cute niya... errr... medyo.

"Please... Auntie Sam?" Mokong na 'to! Ang galing maglambing kapag may kailangan! Sige na ang cute na niya!

"Oh yan! Juice mo!" Pasalamat siya, effective ang smile niya. At gumagana ang pagka-auntie ko.

Dahil sa nawala na ang antok ko, nag-breakfast na lang din ako kasabay niya. Kinuha ko yung Swiss cheese at ipinalaman ko sa tinapay. Tapos nilabas ko yungchocolate syrup at dinagdag ko sa sandwich ko.

"Kadiri ka, alam mo yun? May cheese na tapos nilagyan mo pa ngchocolate. Ano kayang lasa nun!"

"Ay hindi mo pa sinusubukan ang cheese at chocolate? Try mo! Masarap!" Masarap naman talaga! Kaso parang nandidiri pa rin siya. Ang arte! Kaya ang ginawa ko, isinalpak ko sa bibig niya yung sandwich. "Subukan mong iluwa yan, hindi ako magluluto ng lunch."

"Amf...ka!" Nagsasalita siya habang pinipilit niyang nguyain yung pinakain ko sa kanya. Tapos napapikit siya para tuluyang lunukin yung pagkain.

"Oh diba, masarap."

Parang mali yata na ginawa ko yun dahil sa sama ng itsura niya. "I hatechocolate!!!"Sinigawan niya ako, at bilang ganti, binuhusan niya ng juice ang baso ko na may laman nang kape. "Now try that! Kapag hindi mo inubos yan, patutulugin kita sa labas mamaya!"

"Grabe ka talaga!!!" But since it's my fault, ininom ko yung kapeng may halongorange juice. "Hmmmmmm... ang sarap! Try mo din Eli!" Sinabi ko lang yun para hindi halatang masagwa yung lasa, at para hindi niya ma-feel na nakaganti siya.

"Huuppp... Huuuuppppp... Hoourph..." Ang nakakatawang tunog na ginawa ni Eli sabay takip sa bibig niya. Parang medyo nasusuka siya dahil nagawa kong ubusin yung orange-coffee-juice. "Ang baboy mo!" Tapos umalis na siya. Ahahahaha! I won! 1 point para sa akin!

* * *

After kong hugasan ang kinainan namin, pumunta na rin ako sa living room para panoorin yung pinapanood niya. "Ang aga pa... *yawn* Ano naman yang palabas na yan?" Magse-seven pa lang kasi.

My Nephew in lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon