CHAPTER 2

273 5 1
                                    

(SAMIRA ALVAREZ POV)

"Wow... parang nangangain ng mga boplogs ang village na 'to ha." Sabi ko habang nakanganga at naa-amaze sa mga bahay na nakikita ko.

Nandito na kasi ako sa Sierra Grisham Village. Hindi na ako nagpahatid kina Kuya Rico at sa asawa niya since nakakahiya na din.

"Block 173, Foxrock Street. Heto na nga yata yun." Pero teka hindi ba ako namamalikmata? Nakatayo ako ngayon sa isang black and white contemporary luxury house, na may malaking garden sa loob. Shoot! Ito na ang dream house!

Biglang gumalaw yung camera sa may gate at may nagsalita, "Are you a guest?"

"Pfffttt." Natawa ako, nasabi kasi saakin ni Ate Pia na online security system daw ang nagbabantay sa bahay ng anak niya para malayo sa magnanakaw. Boses babae yung computer. Kausapin ko lang daw na parang tao. "Yes."

"Do you have the home password?"

"Yes." Nakasulat na sa palad ko yung eleven unique character password sa bahay na 'to.

"Please enter the password." I moved forward dun sa may pindutan at medyo kinakabahan. Nagwarning kasi saakin si Ate Pia na kapag na-enter ko daw ay wrong password, magti-trigger daw agad yung security alarm nung bahay at pwede pa akong mapagkamalang magnanakaw.

"Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5" Sinasabi ko habang nanginginig sa pagpindot nung mga numbers at letters. Potek, hindi ako pwedeng magkamali.

Nakahinga lang ako nang malalim nang bumukas yung gate. "Thank you and welcome to Mr. Eleazer's house. Please feel at home."

"Thank you! Thank you din!", nag-bow pa ako dun sa security camera, para lang tanga. Anyway, pumasok na ako, at sumara naman agad yung gate. Saka ako dumirecho sa loob ng bahay.

"Tao po?" Kanina pa talaga ako nagtatao-po. Pero wala nga talagang tao dito. Nakabalandra lang ang mga gamit ko sa tabi, at napatingin ako sa mga nakadisplay na picture frames sa may side table.

"Siya na siguro yung Eleazer." Napangiti ako. "Ang cute!" Nakatingin ako sa picture ng isang lalaki, siguro mga twelve years old pa lang ang batang ito. "Pero ang bata naman niya para tumira lang nang mag-isa dito."

Well, malalaman ko rin ang lahat kapag dumating na siya. Ano bang malay ko, baka may personal yaya siya at kasama niya yun sa school. "Bakit naman kasi hindi ko na lang tinanong kay Ate Pia kahapon."

Tapos, inilipat ko na agad yung atensyon ko sa buong bahay. Para akong titira sa hotel nito! Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!

Fine Arts major in Interior design ang course ko, kaya sobrang nakaka-amaze lang ang bahay na ito. At napagisip-isip ko na since wala namang tao, maglilibot muna ako.

Una kong sinilip yung kitchen. Tapos yung dining area, then umakyat ako ng second floor para silipin pa yung ibang rooms. Wow! Jackpot talaga 'to teh! Ang swerte naman ng pamangkin ko, dito nakatira.

At since inaangkin ko na ngang pamangkin ko siya, magpapakadakilang auntie ako sa kanya. I can't wait to see him! Makikipag-bonding to the max ako sa batang yun!

(◡‿◡✿)

Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay Eleazer, nakatulog ako sa sofa. Pero bigla akong nagising nang makarinig ako nang malakas na pagsara ng gate. Sumilip ako sa may bintana at nakita kong may lalaking naka-black hooded sweatshirt na pumasok at sinipa ulit yung gate.

My Nephew in lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon