CHAPTER 6

195 3 0
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

Dumagundong ang puso ko nun ha. Tama bang yakapin niya ako nang mahigpit? Lalaki din naman ako!

"Eli ayoko na!!! Bahala ka isasama kita!!!"

Nakakahiya. Ano ba 'tong iniisip ko? "Bitawan mo nga ako! Pumasok ka dun sa kwarto!"

"Hindi! Ako ang bitawan mo!" Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin,"Promise, isasama kita!"

"Joke lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Para kasing umaakyat nanaman ang dugo sa mukha ko. "Walang multo, okay! Bumitaw ka na nga." Kunyari na lang nginitian ko para makapang-asar lang, "Sinong duwag ngayon? Quits na tayo! Magluto ka na ng dinner!"

Arghhh! Nauulol ka na ba Eli? Parang may lumalala kang sakit niyan eh! Teka! Baka yung si Sam ang may sakit! Nahawa lang ako! Tapos nararamdaman ko na ang mga symptoms ng kabaliwan. Grrrr...

* * *

"Idol... kanina ka pa tulala dyan." Magka-group kasi kaming tatlo nina Waine at Argel para sa isang project ngayon first grading. "Si Sam ba iniisip mo?"

I sighed. "Oo... Ha? Hindi ah!" Ano ba yan! Kumag naman kasi 'to! Nadulas tuloy ako! "Bakit iisipin ng gwapong tulad ko ang pangit na tulad nun?"

"Si Sam, pangit? Weh? Hindi nga!"

Oo na! Maganda na siya! Eh pero pangit pa rin siya! "Pero Idol, okay lang na maramdaman mo yan. Pareho kayong teenager! Nag-iinit ang mga katawan niyo! Diba tama ako Waine!"

"Aprub!"

"Nag-iinit ang mga katawan?" Nag-isip ako sandali. Talaga bang nag-aadvice ang mga 'to. Teka... "LOL! Ay! LUL pala! Mga iniisip niyo puro kamanyakan nanaman eh!"

"Idol, tama naman si Argel! Binata ka, dalaga siya. Tapos kayong dalawa lang sa bahay." Tapos tinignan niya ako nang masama. "Ni minsan ba, hindi mo naisip na sunggaban siya sa gabi?" Nagtawanan sila.

Pero pinagbabatukan ko sila. "Wag niyo nga akong itulad sa inyong mga manyak!" Changgala yan! Sa gwapo kong ito, mag-iisip ako nang ganun sa babae. "Gwapong gentleman ako noh!"

"Wow Idol! Lakas mo!" Sabay nilang sinabi. Tapos biglang naging seryoso ulitsila. "Pero Idol, si Sam yung tipong pwede eh... pwede mong maging girlfriend. Astig kaya yun!"

"Oo nga! Kaya nga na-inlab kami agad ni Waine sa kanya dahil kakaiba siya eh. Walang ganun babae dito sa school." Ano daw inlab? "Kaso binasag niya kami eh. Tapos pinagbawalan mo pa kami."

"Ewan ko sa inyo! Wala namang matinong sagot sa mga adik na tulad niyo eh!" At tsaka, bakit ba ganito ang pinag-uusapan namin. Tingin ba nila trip ko yung si Sam. "At tsaka wala akong gusto sa babaeng yun! Wag niyo nga kaming i-connect!"

Pinagtawanan lang nila ako, kaya lalo akong nabad trip. "Mga t@rant@d0!" At sabay bangas sa mga bunbunan nila.

>=(

Sabado na ulit, at pag-gising ko, wala na si Sam sa kwarto niya. Himala yatang maaga siyang nagising. Pagpunta ko sa kitchen, wala din siya doon. Wala siya sa buong bahay. Takte! Baka hindi pa siya nagluluto ng breakfast ko!

My Nephew in lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon