Paulit - ulit nalang sa isip kong bumabalik
Bumabalik ang mga tanong kung bakit
Bakit nga ba hanggang ngayon ikaw ang iniisip?
Bakit nga ba kahit ako'y nasaktan na ikaw pa rin ang lihim na iniibig?Kung puso ko ang susundin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin
Sa'yo pa rin ito nananabik, ikaw pa rin ang kanyang mamahalin
Ngunit sa akin ay mas nananaig ang sinasabi ng isip
Masasaktan lamang ako kung ikaw muli ang iibigin.Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan
Kung ikaw ba na sinasabing hindi ka na katulad ng nakaraan,
O ang sarili kong nagsasabing 'wag maniwala sa'yong kataga
Baka sa huli puso ko lang ulit ay magiba?Sadyang mahirap kumawala sa sitwasyong ito
Lalo pa't sarili ko rin ang naglagay sa'kin dito.
Pilit akong tumatakbo papalayo
Pero bakit mas lalo akong hinihila pabalik sa'yo?Takot na akong maniwala
Ayaw ko nang magpakatanga
Ngunit tumakas ay hindi ko magawa
Pagka't pinalilibutan ng rehas kong gawa-gawa.Ako'y nakakulong sa sarili kong imahinasyon
Nalulunod sa aking mga emosyon
Marami na ang lumipas na panahon
Pero bakit nasa isip pa rin kita hanggang ngayon?Sana naman ako'y makalaya na
Lumipas ay tanggapin at kalimutan na
Patawarin kung sino man ang nagkasala
Upang tayong dalawa'y maging mapayapa.
YOU ARE READING
Thoughts My Mind Yells
Poetrypoems... some are made up stories, some are based on my feelings at that moment and some are just out of boredom.