Tula

79 0 0
                                    

May mga panahon lang talagang
ang sarap magsulat ng tula
Tila ba kusang dumadaloy
ang mga ideya't salita
Na sa bawat guhit ng letra'y
tumutulo din ang luha
O 'di kaya'y napapangiti
depende sa kung ano ang nadarama.

Sa mga panahong gusto kong sumigaw
ngunit takot na may makarinig sa'kin
Kung meron mang gustong iparating
ngunit 'di ko kayang sabihin
Itong bolpen at papel ang sa aki'y sumasagip
Dito ko isinusulat ang lahat ng aking nasa isip.

May mga sandali ding ang tula ay
mahirap buuin
Maraming ideya sa isip ngunit hindi
magawang pagtagpuin
Magsusulat ngunit ito rin nama'y
iyong buburahin
At kung madumi na ang papel,
ito ay iyo nang pupunitin.

Masaya naman kasing makagawa ng tula
Na mapapansin mong magkatunog
ang dulo ng bawat linya
Na madama mo ang nais iparating
ng bawat salita
Na masasabi mo ang lahat ngunit
ayaw iparinig sa iba.

Thoughts My Mind YellsWhere stories live. Discover now