Bakit Nga Ba?

71 0 0
                                    

Maraming gustong sabihin ngunit hindi magawa
May gustong iparating ngunit umuurong ang dila
Bibig ay sarado hindi makabuka
May takot na pumipigil sa paglabas ng bawat salita

Isip ay lito kung tama nga ba
Tama bang palipasin nalang ito muna?
Tama bang hayaan na lang ang nadarama?
Na parang may mali, parang may hindi tugma

Bakit nga ba ganito?
Bakit parang hindi sang-ayon ang mundo?
Mayroon bang kailangang iwasto?
Mayroon bang kailangang magbago?

Maraming tanong sa isip na nabuo
Nababahala na din at nababalisa ako
Ngunit ang dasal sana'y madinig N'yo
Tulungan N'yo po kaming malampasan ito.

Thoughts My Mind YellsWhere stories live. Discover now