Walang Bago

51 0 0
                                    

Sa bawat araw ay naghahanap ng liwanag
Na kahit kaunti ay may maaninag
Araw-araw ay naghahanap ng sagot
Na kahit papano'y maibsan ang lungkot

Bakit parang wala nang bago?
Bawat umaga'y nagiging ordinaryo
Pinipilit nalang ang kilos at galaw
Mula pag sikat hanggang paglubog ng araw

Tila ba ang bukas ay pareho lang sa ngayon
Walang pagkakaiba sa nangyari kahapon
Paulit-ulit nalang kaya nakakabagot
Paulit-ulit nalang kaya nakakapagod

Thoughts My Mind YellsWhere stories live. Discover now