Pagmasdan mo ang mga tala
Hindi ba't kay ganda nila
Pagmasdan mo silang kumikislap
Katulad ng iyong mga mataPansinin mo ang buwan
Ang liwanag nitong taglay
Sa madilim na gabing ito'y
S'ya ang nagsisilbing gabayPakinggan mo ang mga insekto
Pakinggan mo ang kanilang awit
Pakinggan mo ang pagbati nila sa'yo
Pakinggan mo kahit saglitAng gabi man ay madilim
Subukan mong maging mapagmasid
May mga bagay na kung iyong mapapansin
Nagbibigay ganda sa inaakala mong ordinaryong paligid
YOU ARE READING
Thoughts My Mind Yells
Poetrypoems... some are made up stories, some are based on my feelings at that moment and some are just out of boredom.