Chapter 1

14 1 0
                                        

Umibig na ako ng napaka raming beses. sa totoo lang normal yun kasi parang bilang isang teenager ma cucurious ka talaga kung bakit ang iba maagang umibig ng biglaan. Ang iba nga halos papalit palit pa na akala mo ganun ka ganda o ganun ka gwapo para mag palit at pag sabay sabayin ang mga karelation.

Sa case ko naman sinubukan ko, nanligaw sila, sinagot ko nung trip kona, naging kami tapos hindi na nag work sa sobrang kumplikado kaya nag hiwalay din. Para saan?! Sumunod sa uso?! Hindi ba pwedeng nag hahanap lang talaga ako ng pag mamahal galing sa ibang tao?!

Bakit hindi sa pamilya?! Wala naman ako nun eh! Maaga silang kinuha sakin kaya yung naiwan saking halaga ay halos pinag kakasya ko mataguyod ko lang ang sarili ko. Tumira ako sa orphanage matapos ko maka graduate ng elementary. Hindi na daw ako kaya itaguyod ng tyahin ko.

At ng mag college naman ako ay nalaman ko na may pera palang naka pangalan sakin galing sa pamilya ko. Namangha ako sa laki kaya nag bigay ako ng konting tulong sa orphanage na yun. Sa tyahin ko naman sa sobrang pang aalipusta nila sa akin ay halos ayaw ko na nga silang makita pa. Hinanap nga daw nila ako sa orphanage ng araw na umalis ako at sakto naman talaga na wala na ako.

Nag hanap ako ng maliit na bahay, nag kataon naman na ang isang taga tulong samin sa orphanage ay may paupahan, ngunit imbis na ipaupa niya sakin ito ay binenta niya sa halagang kakayanin ko daw. Bumili ako ng kagamitan sa bahay pati narin pang pasok ko sa eskwelahan. Natuwa pa nga ako ng tinulungan padin ako ng mga madre na makakuha ng scholarship. Sa awa ng dyos naipasa ko yun hanggang sa maka pag tapos ako.

Nakakatuwa lang yung experience ko nung bata pa ako, sa sobrang kulang sa pag mamahal kaya siguro hinahanap ko siya sa nagiging ka relation ko. Kaya lang para sa akin kasi hindi sapat. Tsaka hindi ko sineseryoso. Masyado pa nga ata akong bata noon. Pero andun na eh. Hindi ko na siya mababago, tsaka katuwang lang naman sa buhay yun. Companion narin siguro kaya ako pumapayag. Pero hanggang dun lang ang kaya kong ibigay.

Hawak kamay pag nag lalakad o kaya yakap. Wala ng iba pa. Halik?! Di ko gusto. Hindi talaga!


“ma’am Ria tawag na po kayo!” Putol na isang staff sa pag mumuni muni ko.

“Thank you!” Saka narin naman ako tumayo at pumunta sa kwartong iyon.

Pag pasok ko ng board room andun na lahat ng boss ko. Sa kumpanyang ito ako nahasa sa lahat ng bagay. Ito rin ang unang kumpanyang aking pinasahan at natanggap naman ako agad. Ngayong pinatawag ako ay para sana sa promotion na ibibigay nila sa akin. Sa pag kakarinig ko ay ipapadala nila ako sa city dahil doon nag hihintay ang pwestong uupuan ko.


“Good morning po!” Bati ko sa mga ito.

“Good morning Ria! Maupo kana” sagot sakin ng HR head.

“Alam mo naman siguro kung para saan to diba?!” Tango ko naman sa mga ito. “Andito ka dahil ilang taon kana din nanilbihan samin, laking pasalamat namin sayo dahil gumaan ang trabaho ng lahat sa amin dahil sayo. Magaling kang bata kaya nakapag desisyon kami ng ganto”

“Pero hindi ka rito nararapat Ria” napakunot noo naman ako sa sinabi ng General Manager namin. “Sa city ka nararapat kung saan andun ang main branch natin. Iuupo ka bilang head ng isang department at hindi lang yun. Sagot nila ang tirahan mo at ang salary na makukuha mo ay tataas pang muli” ngiting ngiting sabi nila sakin na ikina ngiti ko rin sakanila.

Fall of the AutumnStories to obsess over. Discover now