Katatapos lang ng meeting namin nila Martina kasama ang mga cliyente namin. Nag present din kasi kami sakanila at napag tagumpayan naman namin iyon. Bumalik nalang din ako agad sa aking opisina. Martina ask me to eat lunch with her pero hindi ako pumayag. Naintindihan naman niya iyon kaya nag pabili nalang ako kay Maggie ng sandwich sa canteen.
Hindi naman na nag paramdam si Jacob sakin halos isang linggo narin. Pina alis kona din si Wilbert at Lorna dahil hindi ko naman talaga sila kailangan. Nag simula narin akong mag driving lesson after office hours at last day kona mamaya. May lisensya naman na ako dahil isa yun sa mga requirements noon pa man sa dati kong trabaho.
Ako nadin ang pinag drive ni mang Ramon kanina at natuwa naman siya dahil ang bilis ko daw matuto. Ako rin daw mag mamaneho mamaya para daw masanay na ako. Aalalay daw siya hanggang sa kaya kona talaga.
Nang hapong din iyon ay natapos kona nga ang driving lessons ko. Umuwi nadin naman ako agad dahil gusto kona mag pahinga at gutom nadin ako. Ilang araw na akong nag tatake out dahil bigla nalang din akong tinamad sa bahay lalo na at nawalan ako ng kasama.
Medyo naging boring din ang buhay ko nung hindi na kami nag uusap ni Jacob. Christian ask if nakapag usap na kami ilang araw matapos iyon pero sinagot ko lang siya ng hindi. Nag tanong pa siya kung bakit pero hindi ko na siya sinagot. Si Martina ay nacurious din pero alam naman na niya ang kwento kaya hindi kona siya sinagot pa.
Mag sasara na sana ako ng unit ng saktuhan namang may nag doorbell sa unit ko. Sumilip ako sa peephole at isang lalaki iyon na naka cap at nakatakip ng mask ang ilong hanggang baba. Umalis din ito agad at ako naman ay naka ramdam ng takot.
Dali dali akong tumawag sa security sa baba upang umakyat dito. Wala naman din daw silang napansin na pumasok at lumabas ng building na iyon batay sa description ko. Sila narin ang pinag bukas ko ng kahon na iniwan ng lalaki. Sulat lang iyon, at halatang dugo at pinang sulat nila dahil nangamoy malansa agad pag ka bukas.
'tapos na sila kaya ako naman. Mag handa kana Autumn!'
Isa itong death threat na agad naman isinuplong ng mga guard sa pulis. Tinawagan ko kaagad si Christian at dali dali itong pumunta sa unit. Ngunit hindi ko inaasahan na kasama nito si Jacob.
Nakaupo lang ako nun sa sala at hinahayaang kuhaan ng report ng mga pulis ang security guard. Dinescribe ko lang din naman ang itchura ng lalaki. Hindi naman kasi kita ang mukha niya dahil nga nakatakip ito pati narin naka sumbrero.
"let's all end this here! Ria has to rest and please officer search the CCTV of the building" utos ni Christian.
"yes po sir! Kami napo ang bahala rito!" tango naman ng mga pulis bago umalis.
"guard!" sigaw ni Christian dito. "tell your boss to set a meeting for me tomorrow asap!"
"yes sir!" saludo pa ng mga ito saka narin lumabas ng unit ko. Umupo narin naman si Christian saking tabi.
"want to stay the night with Martina? Nag hihintay siya sayo doon" iling ko rito.
"mag papahinga nalang ako. Hindi kona kayang umalis pa ng condo ko" saka ako sumandal.
"Wilbert will be with you again starting tonight" singit ni Jacob samin.
"just let Wilbert close the unit. Matutulog na ako" nilayasan ko naman na silang dalawa saka humiga ng kama.
Hindi pa pala tapos ang mga kalaban ni Jacob at ako nanaman ang puntirya. Kala ko matatapos na dahil tapos naman na yung samin pero hindi parin sila lumalayo. Panibagong panganib nanaman pala ang sasalubong sakin kahit wala na siya sa tabi ko.
YOU ARE READING
Fall of the Autumn
RomansaLeRia Autumn Sardeña was an orphan since she was five. pinag malupitan ng kamag anak kaya napunta sa isang orphanage. but Ria never been that weak since. that is why Jacob Mayson Canne Lavigne notice her and been amazed how strong woman she became. ...