Chapter 34

4 1 0
                                        

It was our third day kaya napag pasyahan ng iba na mag scuba dive bago pa man kami bumyahe after lunch. Iniwan ni Martina si Samara sa yaya at saka ko naman iniwan si Pepa sa tita ko at kay Jennie. Since ito palang si Christian ay pinauwi ang dalawang guard namin nung unang araw din ay nanguha muna ito ng pwedeng mag tingin sa mga ito. Nag pahanap siya sa Manager ng mag babantay at swe-swelduhan naman din daw kahit papano.

So umaga palang ay nag handa na kami. Nag turo muna ng guidelines ang mga ito at saka kami tinuruan muna sa mababaw bago kami pumalaot. Christian was assisting me the whole time. Sanay na sanay na ang mga ito dahil isa daw ito sa mga hobbies nilang mag kakaibigan. Pag dating namin sa gitna nag kanya kanyang ayus na kami. Naunang bumaba ang mga professionals at isa isa namang sumunod ang mga lalaki.

Excited kami ni Martina kaya ginaya nadin namin ang mga ito. Pag baba namin ay wala pa kami nakita agad, kailangan daw naming lumalim pa para makita ang corals at different fishes. At ng pababa na nga kami ay nag simula ng mag liwanag ang mga iba’t ibang corals. Halo halo din ang isda na aming nakita. All smiles ako sa totoo lang kasi first time ko rin. Sige lang kami sa kakalangoy para makita ang mga ito ng malapitan. Nag tatago din sa baba ang mga sting rays at may napansin pa kaming dolphin pero sa malayo na ang mga ito. Ayaw na mag sipag baba ng iba dahil kasama daw kami kaya ng malapit ng maubos ang oxygen namin ay nag sipag languyan na kaming pataas. Christian was just beside me kaya naging magaan din ang pakiramdam ko sa pag lalangoy.

Pag daong naman namin ay nag sipag tanggalan na kami ng suit at nag ka yayaan namang mag Jetski. Hindi naman ako marunong kaya umangkas lang ako kay Christian the whole time. Karerahan naman ang mga ito kaya lahat kami halos lumilipad sa katuwaan. Nang matapos ay saka narin naman kami bumalik ng Cabana. Mukhang nasa kids pool ang mga naiwan dito kaya nag pahinga na muna kami. Medyo nan lalagkit din ako so I took off my sando and board shorts. Sama nanaman ng tingin ng mga lalaki sakin samantalang si Martina naman ay ngiting ngiti.

“since you putted your moms’ signature on your right, are you planning to put your fathers’ signature on your left side?” tanong ni Martina sakin.

Sa totoo lang nung nag bikini ako ng first day ay hindi talaga ito mahahalata. Nag lagay kasi ako ng make up dun para matakpan. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinakpan. At kahapon nga halos lahat sila gusto narin mag pa tattoo ng makita ang akin. Hindi nila halos ito tinantanan, kesyo masakit daw ba? Bakit ko daw tinago? Bakit daw duon ko pinalagay?

Akala pa nila nung una ay henna lang. pinakapa nila ito kay Martina at mas kinamangha nila. Doon ko nilagay para tago at hindi naman kailangan makita at malaman pa ng lahat yun. Tinago ko dahil ewan ko?! Siguro masyado akong nag judge sa mga taong nag jujudge din. Iba kasi basta may nakitang tattoo marumi na raw. Para sakin kasi mahalaga yun dahil pirma ng nanay ko yun tsaka art narin.

“iniisip kopa kung dadagdagan kopa. Hindi kasi maganda pirma ng tatay ko” natawa naman sila sakin. “pero sa ngayon okay na muna to. Masakit din kaya yan, lalo na pag nadidikit yung damit at yung underwear ko” tango nila sa akin.

Nang matapos kaming mag lunch ay nag kanya kanya kaming ayos ng mga gamit. Kailangan narin naming bumalik ng city dahil may mga trabaho narin kaming naiwan. Kung saan din kami sumakay papaunta ay siya ding sinakyan namin pabalik. Ang mga boys na ang nag toka kung sino mag mamaneho sakanila. Natawa pa ako dahil nag bato bato pick sila para lang malaman kung sino.

Lahat kami ay hapong hapong bumyahe. Mga napagod sa huling activity at nakapag pahinga lang sa byahe. Hindi naman na pumayag si Christian na mag maneho ako kaya imbis na umidlip ako ay sinabayan ko ito para hindi rin siya antukin.

Traffic nadin kaya inabot kami ng dilim sa daan. Humiwalay na way na kami para maihatid na kami ni Christian sa bahay. May surpesa din kasi ako para kela Jennie at nasabihan ko naman si Christian sa plano ko. Pumayag naman ito at binalak niya ring bumisita doon pag may bakanteng araw kami pareho.

Nang makauwi ay nag sipag upuan namin kami agad ni Christian sa sofa. Si Pepa pa nga ay kumandong rito at nag palambing. Nag pa deliver nalang kami ng dinner dahil hindi na kakayanin pang mag luto at ng makapag pahinga nadin agad.

Sumabay nadin naman sa amin si Christian na mag gabihan. Doon kona din pinag pasyahang sabihin ang balita sa tita ko.

“ahm… inayos kona nga po pala ang bahay na naiwan ko sa Norte tita… eto po” abot ko rito ng papel.

“wag kang mag alala anak. Sisilip silipin ko iyon at pag umuwi naman tong pinsan mo eh lilinisin ko” ngiti namin ni Christian dito.

“basahin mo muna tita” ngiti ko rito. Nag taka naman ito saka nilabas ang papel sa envelope. Bigla naman itong naluha kaya sinilip narin ni Jennie at nagulat.

“hindi ko naman na paniguradong matitirhan yun. Balak kona pong bumili ng bahay namin ni Pepa dito. Kahit po yung pang samin lang. para po di masayang ang binabayad namin dito sa condo” tumayo naman ito sa lumapit sakin at yumakap habang umiiyak.

“maraming salamat anak!” si Jennie din ay napa iyak na.

Ipinangalan kona kasi sakanya ang bahay na iyon. Tulad nga ng sabi ko mas maganda naring may nakatira sa bahay na yun para hindi mapag lumaan. At totoong binalak ko nang mag hanap ng lilipatan namin ni Pepa. Hindi naman kailangang engrandeng bahay. Dalawa lang naman kami kung sakaling titira roon. Matagal tagal pa naman dahil mag iipon pa ako.

“aalagaan namin ito anak. Kapag nakaipon ipapa ayos kopa” singhot singhot pa nitong sabi sakin.

“ikaw na ang bahala mag desisyon dun tita. Alam naman na po yun ng dating may ari. At hinihintay na kayo nun makalipat” ngiting ngiti nito sakin.

“wala pa namang pasok si Pepa. Bibigyan kopo ng isang linggong bakasyon si Jennie para po makapag simula na kayong mag lipat” tango tango ng mga ito sa akin.

Hinintay nadin muna ni Christian na mapatulog ko si Pepa bago niya napag pasyahang umuwi. Sa may pinto lang din naman ito nag pahatid.

“I enjoy this outing babe… thank you for joining us” ginawaran ako nito ng matamis na ngiti.

“kami ang dapat mag pasalamat kasi sinama niyo kami. Thank you Ian. Masaya kaming lahat sa bakasyon” hawak niyo sa mga kamay ko.

“everything for you babe… mag pahinga kana. I’ll text you when I get home” tango ko rito. Humalik naman na ito sa noo ko saka narin bumitaw sa aking hawak.

Paatras ito kung mag lakad at ayaw humiwalay ng tingin sakin. Kahit papano nasasanay nadin ako sa katamisan nito. Kahit napaka simple pero ramdam mo ang pagiging possessive niya. Isa na nga ata ito sa paraan niyang tulungan akong makalimot.

Pero hindi ko rin masabing nagawa ko nga ito na. ayaw kong mag conclude na kaya kona siyang harapin. Sa ngayon siguro oo, dahil wala naman siya sa paligid ko o sa paligid namin. But I was still hoping to finally moved on, hindi man naging maayos ang pag hihiwalay namin pero tama narin ang mga panahong wala na siya sa tabi ko. Hindi naman ako ang umalis eh, ako ang nag hintay, ako ang naiwan at ako ang may karapatang tigilan nadin ang kahibangang iyon.

Hindi naman namin napag usapan ang aming pag hihiwalay pero dun palang sa nangyari ay alam kong natuldukan na ang aming istorya at wala ng kailangang idugtong pa. Chiristian is definetly inside my mind right now. He is making his way through my system little by little. Ayaw ko siyang biglain dahil tama ng ako na lang muna ang may nararamdamanag pain at hindi na niya kailangang mainvolve dun.

Pero hindi ko mapipigilan yun dahil ako ang mag dedesisyon sa dapat na mangyari. It’s my mind and my heart to choose the right decision for everyone. Madaming masasaktan at hindi lamang basta ako. Pero ano bang dapat kong gawin pag ganun?! Hindi kasi basta pwedeng kung ano ang nasa puso lang. mag kadugtong ang puso at isip kaya dapat sabay din silang papaganahin ko. I am torn. Really, really torn between my mind and my heart. Kailangan kong matuntun ang tamang panahon at oras para makapag desisyon ng maayos.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now