Nag convoy kami lahat papunta sa bahay. Nag pa deliver na ako ng food kaya tumawag na ako kay Jennie para makapag ayos. Pepa told me also how she misses all of them kaya na excite ito ng sinabi kong papunta na kami. They even called Christian for me pero hindi daw ito sumasagot. I texted him at ganun din ang nangyari.
Ang gulo gulo nila habang nasa elevator kami. Napaka excited ata ng mga to kaya halos mag tulakan na sila papasok ng unit. Pepa’s giggling when she saw everyone. Kahit ang mga ito ay natuwa ng salubungin sila ng bata.
Natapos din naman kami sa pag kain pero si Christian hindi parin ako sinasagot. Kahit tawag wala. Pinatawagan ko sa iba pero ganun din ang sagot ng mga ito sakin. Kinakabahan tuloy ako.
“C will be fine Ria! Let’s go! Jacob is on his way” yaya sakin ni Matteo. To namang mga to ni hindi man lang kabahan para sa kaibigan.
Though nag riring ang telepono niya. Hindi naman out of coverage pero hindi parin sumasagot. Hindi nga ako mapakali sa sasakyan ni Dos. Hindi na nila ako pinag drive dahil nag aalala ako rito.
“you think he’s okay?” ngiti ni Dos sakin.
“he is Ria!” assure nito sakin pero iba parin ang kabog ng dibdib ko.
Hindi kami sa Lounge bar ngayon pupunta. Bagong bar itong pinag dalhan sakin. Walang pila sa labas pero rinig mo ang malakas na sounds galing sa loob. Nag hintay na muna kami kay Jacob dito sa labas. Naipit daw ito sa traffic.
Napansin ko naman ang porma nilang lahat. Sa pag kakataong to hindi sila naka get up na pang night out. Mostly kasi ang attire nila pag lalabas ay mga naka shorts and polo shirts lang pero ngayon lahat sila naka pants and long sleeves. Diko mawari kung bakit naka formal attire tong mga to samantalang kahit mga pumapasok to sa opisina mga naka t-shirt silang pumapasyal sa kumpanya.
Pinag dress pa nga ako ng mga ito. Kanina kasi naka fitted pants ako at shirt lang. pero pinag palit nila ako sa dress. Naka maroon off shoulder ako na dress na fitted parin hanggang taas ng tuhod. Naka wedge din akong sandals.
Nang dumating si Jacob ay bumati ito sa lahat bago sakin. Humalik lang ito sa aking pisngi saka na nag sipag yayaang pumasok.
“bakit lahat tayo naka formal attire? Kala koba night out to? And nakontak niyo naba si Christian??” ngumiti lang sila lahat sakin saka nag sipag pasok sa bar.
Napanganga ako sa ginawa ng mga ito dahil lahat sila iniwan ako sa labas. May tinatanong pa ako pero hindi naman nila ako pinansin. Laglag balikat akong pumasok sa loob.
At mas napa nga nga ako ng wala akong makitang tao sa loob. May ilaw naman sa may bandang stage pero nawala lahat pati kasama ko. Palinga linga pa ako pero talagang wala. Even sa bar walang tao.
“hello?!” sigaw ko pero walang sumagot. “Dos?! Matt?!” tinawag ko yung dalawa pero hindi parin sila sumasagot. Napag isip konang lumabas pero biglang bumukas ang spotlight na nakatutok sakin. Na silaw pa ako rito.
May bigla namang tumugtog din. The song is familiar though pero wala parin namang tao. Panay padin ako lingon pero talagang wala ni isa.
‘There goes my heart beating’
Pag kanta naman biglang bumukas ang malaking projector sa harap ko. Picture ko ang lumabas dun. I was sitting in my chair sa opisina at naka kunot ang noo habang may kung anong ginagawa.
‘I’m loosing my sleep, please come back now’
Sumunod naman doon ay picture na tumatawa ako. Naka taas ang ulo naka nganga naka bitin ang kamay papunta sa bibig and the back ground was blurry. Napakagat ako sa daliri ko kasi hindi ko alam kung bat ko nakikita ang mga picture na yun sa harapan. Naluluha ako sa kaba at tuwa kasama pa yung pag tataka.
YOU ARE READING
Fall of the Autumn
Любовные романыLeRia Autumn Sardeña was an orphan since she was five. pinag malupitan ng kamag anak kaya napunta sa isang orphanage. but Ria never been that weak since. that is why Jacob Mayson Canne Lavigne notice her and been amazed how strong woman she became. ...