Chapter 25

2 1 0
                                    

Naka ready na kami ni Pepa papuntang agency. Nakausap ko naman siya tungkol rito, una ay tumanggi siya na hindi na daw kailangan pang kumuha ng taga bantay pero sinabi ko naman ang rason rito at naintindihan naman niya ito agad.

Pag ka rating namin duon ay sinalubong na ako agad ng kanilang manager. Sa isang kwarto niya kami pinapasok at andun na agad si Jennie nag hihintay sa amin.

“Jennie sila ang magiging boss mo. Si Ms. LeRia Sardeña at si Pepa na anak nito” pakilala nito sa akin.

“g-good morning po” tumikhim pa muna ito bago bumati sakin. Alam ko namang gulat na gulat ito dahil hindi naman niya inaasahang ako ang magiging amo nito.

“good morning din. Si Pepa lang naman ang babantayan mo sa buong mag hapon na wala ako. Hindi ka naman mag iistay sa unit ko dahil wala kang tutulugan duon. Dito ka naman siguro nakatira sa city ano?”

“nako hindi ho. May staff house po kami para sa mga stay out na katulong lalo na po ang iba ay sa probinsya pa ang mga bahay” singit ng Manager.

“5,000 ang makukuha mo kada kinsenas at katapusan. Iba pa ang ibabayad ko sa agency na ito pati narin sa benefits mo sa gobyerno. Mag sisimula ka sa bakasyon, kailangan lang namin makalipat muna ng unit at makapag adjust bago ka pumasok” tango lang naman ang sagot nito sakin.

“eto ho ang kontrata ma’am. Naka saad nadin po dyaan ang mga sinabi ninyo sakanya kanina” binasa ko naman ang kontrata at si Jennie naman ay tulala padin at nakayuko nalamang din.

“I’ll call you right away kapag pwede na siyang pumasok sa bahay” tango nila pareho.

“may kailangan pa bo kayo ma’am?” tanong pa nito sa akin. Bumaling naman ako kay Jennie na hindi parin magawang tumingin sa akin.

“can you leave us for a while?” gulat nito saka naman tumango at umalis ng kwarto.

“kamusta ka?” napalingon lang ito saglit sakin.

“mabuti naman kahit papano” tango ko rito.

“ahm Pepa” baling ko sa bata “siya si tita Jennie siya ang magiging bantay mo sa bakasyon huh?”

“hello po!” kaway pa nito.

“hello din!” ngiti nito rito.

“sinong nag babantay sa anak mo?” tanong kong muli.

“si mama lang” kunot noo ko rito.

“wala kang asawa?”

“hindi na yun uso ngayon” loko naman nito na ikina ngiti namin pareho.

“si tita… kamusta siya?”

“mabuti naman din. Pinatigil kona sa pag tra-trabaho dahil nang hihina na siya”

“si tito kamusta?” kumunot ang noo nito sa akin.

“talaga palang wala kanang naging balita sa amin ano?” ngisi pa nito na ginantihan ko naman din.

“nung ako ba umalis ng bahay niyo may nakuha ba kayong balita mula sa akin? Ah meron… nung panahong nag tra-trabaho na ako at kumikita ng malaki” sarkastiko kong sabi rito.

“pare-parehas lang tayong gumagapang sa lupa noon Ria… ano pang silbi ng pakiki balita namin sayo… kumakain ka tatlong beses sa isang araw samantalang kami nag hahanap ng mauutangan makakain lang” maluha luhang sabi pa nito. Duon na ako nagulat sa sinabi nito. Sa totoo lang wala na talaga akong naging balita simula ng lumaki ako sa ampunan.

“sinusubukan naming lumapit sayo pero ikaw na mismo ang nag tatago. Kinakapalan na ni mama ang mukha niya maka hiram lang sayo ng pampagamot habang ang anak ko ay hindi makalabas ng ospital dahil may sakit siya” punas nito ng kanyang luha. “nakulong si tatay dahil sa droga. Hirap akong humanap ng trabaho dahil ang anak ko ay hindi pa magaling. Si mama ang nag trabaho mabuhay lang kami pero nag kasakit din siya. Nang nalaman naming nasa peligro ka ay kahit papano nabantayan kami ng maayos at natulungan ng ibang tao… lagi naming inaabangan sa telebisyon kung okay kalang ba dahil ninenerbyos si mama sa nangyayari… nag ka trabaho ako at naka ahon kami kahit papano pero ang tatay ay namatay sa loob ng kulungan… pinag diskitahan ito doon kaya wala na siya Ria… wala na siya!” nasaktan ako sa mga nalaman ko pero tunay ngang naging bato ang puso ko.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now