Chapter 26

1 1 0
                                    

Totoo nga ang sinabi ni Dos. Nakauwi na nga sila at si Martina agad ang bumungad sakin sa aking opisina. Hindi pa ako naka react masyado pero lumapit na agad ito sa akin na may luha sa mata at saka yumakap. Inalo ko naman ito dahil talagang humagulgol siya sa bisig ko.

“tahan na... nakikita ka ng anak ko” bulong ko rito saka naman ito humiwalay sa akin. Bakas sa mukha nito ngayon ang pag ka gulat at saka tumingin sa batang naka kapit sa aking binti at nag tatago.

“Pepa this is tita Martina. Another friend of mama” kumaway naman ito pero nag tatago padin. Tumigil ang pag luha nito at napa singhot nalang din bigla.

“maupo ka at mag kwe-kwento ako” hindi naman ito natinag kaya inayos ko si Pepa sa may sofa at saka ko naman inalalayan si Martina. “Maggie… coffee please” salita ko sa may intercom. Tinignan ko naman muli ito at tulala padin na nakatingin sa akin.

“tumaba ka Martina. Not into diet anymore?” biro ko dito pero hindi parin natinag. “my God Martina! Will you speak?! Pepa is scared already”

“well… I’m… I’m shocked okay!” punas naman nito sa luha niya. “wala pa kaming taon na umalis tapos biglang…” turo nito sa anak ko.

“I adopted Pepa okay?! On process but still my child” mas lalong nanlaki ang mata nito sakin.

“Ria!” biglang pasok naman ni Christian sa opisina ko. Nagulat pa kami ni Pepa at nag tago nanaman muli ito sa tabi ko.

“will you stop scaring my child?! Please!” sigaw ko pabalik dito.

“sorry!” dali dali naman itong tumabi sakin. “fuck it! I just heard a rumor donwstairs. Are you okay?! Hindi kaba nasaktan sa pag sabog ng ampunan?!”

“pag sabog?! You were there?” singit ni Martina.

“will you both chill?! It’s better that both of you are here para dina paulit ulit kwento ko” umupo naman ng maayos si Christian. “wala nabang susulpot na iba?! My God! Tinatakot niyo ang bata” yakap ko naman kay Pepa.

“wait for the others” salita muli ni Christian at nag si sulputan naman ang mga kaibigan nito.

Sinalubong ko naman sila at mga niyakap isa isa saka na sila umayos ng upo. They are all fine in my eyes right now. At least they are back I just don’t know how long but still assured they are safe. Nagawa naman naming kamustahin ang isa't isa bago muling pina kwento ni Christian ang nangyari sa ampunan.

“there was a bomb threat sent by someone in the government. They don’t have a clue from where kaya hindi naagapan. Pauwi na sana kami ni Pepa noon ng sumabog iyon. Wala namang galos but not the others” they are quietly listening to me.

“hindi kona binigay si Pepa sa gubyerno dahil kaya ko naman siyang buhayin. Ngayon on process ang papers at any time ay magiging legal na anak kona siya… Pepa this are mamas’ friends. Wag ka matatakot sakanila okay? They are your tito and tita” tango naman nito sakin.

“sooo… how’s everyone?” ako naman ang nag tanong sa mga ito at nag sipag ngitian lang naman silang lahat sakin.

“we’re back for good now Ria. And okay naman kaming lahat kahit papano” Martina answered.

Sa nakikita ko naman ay naging masaya sila sakanilang pag babalik. Namiss rin siguro nilang mamuhay ng maayos at bumalik sa kanya kanyang buhay dito. Paniguradong magiging busy ang mga ito sa susunod na araw upang makabawi sa kani-kanilang kumpanya.

Hindi rin naman ako nakapag trabaho ngayon dahil nag kulitan lang sila ng nag kulitan. Nakigulo din sila kay Pepa at tuwang tuwa sa pag ka bibo ng bata. Naging magaan narin naman ang loob nito sa mga ito.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now