Chapter 35

2 1 0
                                        

After our vacation we’re back to our reality. Since pinauwi ko si Jennie para mag ayos sa bahay nila ay sinama ko nanamang ulit si Pepa sa opisina. Nangg nalaman yun ni Martina ay sinama na niya si Samara para nadin daw mapanatag ito sa trabaho dahil nakikita niya si Samara sa aking opisina.

Christian began his so called courting. Yun daw ang talagang tawag dun dahil matagal na daw niyang dapat ginawa, naunahan lang siya ng kaibigan. Hindi ko siya pinayagan sa gusto niya kaya kahit daw hindi ko siya pinayagan ay pinilit niya padin ang kanyang gusto.

Naging instant driver “slash” body guard kona siya. Tinutukso ko nga na baka kako pag sawaan kona ito agad dahil lagi nalang kaming mag kasama lalo na sa opisina. Binalak na niyang ilipat ang lamesa niya sa loob ng opisina ko o kaya ako daw ang lilipat doon. Asar na asar ako pero tuwang tuwa siya sa kalokohan na iyon.

“spacing out babe… padating na ang client natin” nginitian ko nalang naman din ito.

Nasa restaurant kami ngayon kung saan may nag pa set na meeting na client. Hindi nag pakilala at ang tanging gusto lang ay makapag meeting agad. Biglaan ito at kaninang umaga lang namin natanggap. Bigla nalang daw kasing nag set ang client to be in this restaurant at 2pm sharp at wala na ni anong sinabi. Nag taka kami ni Christian kaya pinatulan nadin namin. Hindi naman ako dadapat sasama pero pinilit ako nito dahil ako naman daw ang head ng Marketing sa ngayon.

Christian is now with his simple attire. Naka plain long sleeves padin naman ito sa loob at naka coat and slux. Pero kung walang meeting malamang walang coat yan na suot sa opisina. Ako naman ay naka beige fitted dress lang. tube top ito kaya naka white sweater ako. Christian disapprove my attire for the meeting pero wala na siyang magagawa dahil wala naman na akong dalang iba pang damit. Nag order na kami ng coffee at nakapag kwentuhan nadin kahit papano pero wala padin dumadating.

“fuck!” bulong na mura naman ni Christian habang naka tulala sa harap nito. Nilingon ko naman ang dereksyon na iyon and he was eyeing a beautiful lady. Napa irap pa ako rito.

Matangkad ito at mapustura. Para siyang model sa kapayatan pero may balakang kahit papano. Naka fitted black leather jeans ito at naka wedge na shoes. Naka white silky spaghetti strap top naman ito. Nainsecure ako bigla. Ang ganda ganda kasi niya. Natotomboy nga ako sa ganda niya eh. Naka high ponytail pa ito na pag may malaglag na dumi dudulas lang sa sobrang clean nang pag kakatali.

Naka light make up lang din ito at ang accessories ay hindi naman ka o.an. a simple white gold watch and a band, a simple necklace and a diamond earing. Kung hindi ko lang talaga natandaan ang pag mura ni Christian sa pag kita niya ay hindi naman talag tutulis ang kilay ko ngayon sa asar. Pero ang mas ikinagulat ko ay huminto siya sa harap ng lamesa namin.

“it’s been a long time C” ngiting ngiti nito sa kasama ko na hindi parin maka move one sa kagulatan. Sinipa ko naman ito sa ilalim ng lamesa kaya napa ayos din. Kunoot noo naman itong tumayo.

“really long” tikhim pa nito “ahm… this is my Marketing VP head si LeRia and a friend as well” tumayo narin naman ako saka nakipag kamay rito.

“Leila Rain Pascual… but you can call me Rain” ngiti nito sakin. Napa kunot naman ako bigla dahil sa pangalan niya. Parang may bigla akong naalala pero ng umupo nadin naman ang mga ito ay nawala nadin sa isip ko.

“so… kamusta ka?”

“Good… definitely good” baling nito sakin na may ning ning sa mata.

“wait… are you both?... you know?!” balikang turo naman samin nito.

“ah hindi” sagot ko rito.

“hindi… pa…” asar nanaman ni Christian sakin na mukhang ikinakilig naman ng babae.

“ang cute niyong tignan dalawa. Pero sorry kung biglaan huh. To kasing isang to eh akala mo may pupuntahan mamaya eh wala naman. Inasar kalang nanaman ng kaibigan mo” napa isip naman ako sa sinabi niya dahil wala talaga akong clue kung sino ang sinasabi niya.

Hinarap ko naman si Christian pero ang mukha nito ay bumalik nanaman sa pag kainis. Mag kadikit nanaman kasi ang kilay nito sa galit. Inabot ko naman ang kamay nito sa may lamesa kaya napa harap ito sakin at mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin at napa tango nalang. I was aiming for a question if he’s fine at mukhang okay naman siya pero ang expression niya ay hindi nag bago.

“is he here?” giit nitong tanong.

“yeah! Nag hanap lang ng parking” linga nito sa paligid. “ayan na pala si Mayson” nag pantig ang tenga ko sa sinabi nito at napahigpit ng kapit kay Christian.

Naalala ko na ang pangalan niya. Siya ang girlfriend ni Jacob na naging ex at nag kabalikan muli. Nico told it! why did I even forgot it?! Tapos ngayon andito na siya sa harap ko. At hindi lang siya! Kasama pa ang girlfriend niya!

Hindi ko alam kung tatayo ba ako at aalis o mauupo lang dito na parang tuod. Hindi pa ako handa na harapin siya, sa katunayan hindi ko alam ang pwedeng maging reaction ko ngayon! My heart is beating fast at kabadong kabado. Bigla akong pinag pawisan at hindi kona alam kung ano pang nararamdaman ko sa ngayon. Christian didn’t let go of my hand but I know that he can see my reactions now. Hindi talaga ako mapakali dahil sa damdamin ko. Shit na malagkit!

“sorry natagalan ako mag park!” naupo naman ito sa harap ko at yumuko nalang din ako. Nasasaktan ako sa totoo lang. pero hindi kasing sakit ng umpisa. Naguguluhan ako. Sobrang gulo ng pakiramdam ko ngayon hindi ko ma explain.

“this is LeRia baby… have you met her?” tanong ni Rain dito.

“yeah” umayos naman ata ito ng upo pero ganun padin. Gusto kong umalis, gustong gusto ko pero mas lalo nilang iindahin ang gagawin kong yun.

“how’s life dude?” baling nito kay Christian. “kakauwi lang namin kahapon. Sorry for the prank” tawa pa nila ni Rain.

“sanay na yan sayo panigurado” dagdag pa ni Rain.

“it’s… well… it’s actually a surprise” ayos ni Christian sakanyang upo pero ang kamay ko ay hawak padin niya.

“ow let me tell you something baby... I ask them kanina if they have a thing for each other kasi iba ang tinginan nila. Well your best friend here answered na wala… wala pa… diba bagay sila?!” sandal pa nito sa balikat ng kasintahan. Napa ngiti lang bahagya si Christian samantalang ako ay mas lalong napayuko.

“really?!” tanong ni Jacob kay Christian. Hindi naman ito sumagot.

“so what’s this meeting all about?” pag iiba nito ng topic.

“ang seryoso mo naman C!” biro ni Rain rito.

“it’s just that we have another meeting coming up kaya kailangan din naming umalis agad” seryoso na nitong sagot sa babae.

“wala naman actually! Gusto lang namin sayo una mag pakita and ikaw na sigurong bahala mag sabi sa iba. We’ll have a party this Saturday sa bahay na ni Mayson. Family and friends lang naman. Para daw sa pag babalik namin” tango ni Christian. “you’ll come LeRia huh?!” lingon ko naman dito.

“you can call me Ria… and ahm… not that sure…” ngiti kong bahagya rito.

“please? Para naman may date din si C” asar pa nito samin.

“we’ll check the nanie of Pepa kung mag stay siya this weekend” sagot ni Christian rito.

“Pepa?” naguluhan naman si Rain dito.

“ah! Anak ko” sagot ko na ikinangiti niya.

“well you can bring her with you. For sure Jea would love to have a playmate” ngiti ko nalamg din dito. Bago ko pa man malingon si Christian ay napabaling ang tingin ko kay Jacob na ngayon ay naka kunot ang noo at nag tataka.

Paniguradong isa lang ang iniisip naming dalawa. But hell no! and I Thanked God for that. Hindi narin naman kami nag tagal pa ni Christian at nag paalam nadin sa dalawa. Saka ko lang din naman napakawalan ang kanina kopang napipigilang hininga. Hindi kasi ako mag kandaugaga sa harap ng mga ito. Ramdam naman ni Christian ito kaya nag paalam na kami.

He changed a lot. Naging mas depina pa ang katawan nito at medyo lumaki. Tumubo narin kahit papano ang buhok niya at nawala na ang bigote at balbas nito. Puna mo rin sa mukha nito ang pagiging masaya at kuntento sa buhay. At least okay na yun para sa akin. Alam kong ngayon lahat ay sila ay maayos na pati ang pamilya niya. Panatag na ako doon, pero sana pati damdamin ko ay maging panatag nadin.

Fall of the AutumnWhere stories live. Discover now