ANICA POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tumayo ako at sinara ang bintana, siguro binuksan nanaman ni mama ito. Kasi every morning binubuksan niya yung bintana.
Kaya naman ako ito nagigising sa sinag ng araw at sinasara ito. Naginat inat pako ng katawan at pagkatapos pumunta nako sa cr kasi may 40 min nalang umpisa na yung klase.
habang naliligo ako hindi ko maiwasan hindi tumingin sa salamin. Hay nako anica ang ganda mo talaga at nag pose pako ng nag pose.
nagbanlaw nako ng katawan at saka kinuha ang nakasabit kong twalya. nagpunas nako at nag sipilyo narin ng ngipin ko napatingin naman ako sa ngipin kong naka brace.
Jusko ang tagal naman maayos ng ngipin ko sabi kasi ni mama mag tatatlong taon nadaw ito. Minsan na iinis nako eh kasi naman lagi akong may tinga, tapos ang bilis magsipasok nung kinakain ko dito.
nakakainis kaya diba? pano kaya kung makita ako ni babylove ko na may tinga jusko baka di nya nako magustuhan. Baka ma turn off na sya sakin huhu di pwede yun.
tapos nakong mag sipilyo saka ako lumabas ng cr. Nag bihis nadin ako ng uniform at saka bumaba na para mag breakfast.
"oh anak tapos kana pala hali na at kumain na tayo ng agahan." sabi ni mama habang sinasandukan ako. Bait talaga ni mama ko kahit kailan hihi. Kayo ba ganyan ba mga magulang niyo?
"opo mama, bibilisan ko narin kasi 20 min nalang umpisa na yung klase ko." sabi ko kay mama, eh kasi naman mabagal akong kumain eh 10 min ako kung kumain. Pero sabi nila mabilis nadaw yun kasi 30 min yung iba kung kumain jusko mga pabebe tsk.
"ah anak edi ihahatid na pala kita kasi may pupuntahan din ako eh." sabi ni mama at saka sya tumayo para iligpit yung pinag kainan namin. Yup tapos napo kami kumain hihi.
ESMERALDA BORLAZA POV
Hi ako nga pala si Esmeralda ang napaka bait na nanay ni anica. So ihahatid ko si anica sa school niya para di na sya malate tyaka may pupuntahan din kasi ako. May kikitain lang ako kaibigan na matagal ng hindi nagpaparamdam.
Kung mapapansin niyo kung bakit ako masaya kahapon eh kasi nga natuwa ako sa sinabi ni Doc tungkol sa sakit ni anica.
"Ahm misis sasabihin kolang po sana miracle nga po talaga ang nangyare sakanya." sabi ni doc na may ngiti sa labi.
"Ganun po ba? hay sa wakas sana palaging ganun, kasi ako na yung nahihirapan sa kalagayan ng anak ko." sabi ko saka ngumiti ng pilit sakanya.
"Pero may goodnews po ako misis base kasi sa lumabas na resulta maari niyapong inumin yung gamot na ginawa namin ng ilang mga doctor. Pinag aralan kasi nila yung sakit ni anica at nakita dito na baka sakaling gumaling sya. Pero wala papong kasiguraduhan." sabi niya
"Talaga po doc? maraming salamat po." sabi ko sakanya.
"Pero ingat ingat din po misis kasi maybad effect ito kung hindi sya uminom sa tamang oras o mapasobra ang inom niya baka hindi na sya magising ng tuluyan." sabi niya kaya natakot naman ako.
"ah sige po kailan kopo ba makukuha yung gamot?" sabi ko sakanya
"sa next next week po misis pwede niyo na kunin." sabi ni Doc saka ako nagpaalam na.
andito nako sa eskwelahan ng anak ko at bumaba na sya para pumasok.
"Bye mama pasok napo ako." sabi niya saka nag flying kiss pa sweet ng baby girl ko.
"ok anak sunduin kita mamaya ok?" sabi ko sakanya saka ko pinaandar ang makina at umalis na.
*STARBUCKS*
Nandito nako sa meeting place namin ng kaibigan ko habang hinihintay ko sya ay umorder nako ng coffee at bread.
maya maya may biglang umupo na babae kaya naman tinignan ko ito at nanlaki ang mata ko.
"Hi! Esmeralda long time no see." sabi nung babaeng kaharap ko.
Hindi ko akalain na ganito na sya. Na babalik syang mayaman dali dali akong nag beso beso sakanya.
"How are you friend?" sabi ko sakanya at nginitian sya
"Ok naman ako friend so kamusta kana? kamusta na sya?" natigilan ako sa sinabi niya.
"Ok naman kami." sabi ko sakanya na medyo naiinis.
"Gusto ko sana pagusapan yung tungkol kay Anica." sabi niya pero tumayo nako ayoko muna makausap ang babaeng to.
"Ah friend nag text na kasi yung anak ko na uuwe daw sya ngayon galing kasi syang trabaho." sabi ko well totoo naman uuwe yung anak ko.
"Ah sige pero sana ikamusta moko sa anak ko kasi miss na miss kona sya." sabi niya na parang maiiyak na dahil pinunasan niya yung gilid ng mata niya. Kaya naman tumango nalang ako sakanya at umalis na.
Nandito ako sa sasakyan ko at hindi pako nakakaalis nakakainis naman kasi pagkatapos niyang iwan sakin yung anak nya kukunin niya nalang ng basta basta. Hindi ako papayag napamahal na ako sa anak niya. Hindi niya makukuha sakin si anica anak ko sya.
pinunasan ko ang umaagos na luha sa aking mata para umuwe na. Hindi ko muna susunduin si anica at uuwe ang isa kong anak na babae. Kaya naman nag text nalang ako na hindi ko muna sya masusundo dahil uuwe ang ate niya saka ako umalis.
MARTHA POV
Nandito nako sa tapat ng bahay at bumaba na ako sa sasakyan ko kakauwe kolang galing trabaho pero dito muna ako kila mama. Dito muna ako mag stay ng five months.
napansin kong may bumaba din sa harap ko na naka sasakyan at napansin ko si mama pala ito.
"Oh anak andyan kana pala tara na at aayusin ko yung kwarto mo." sabi niya pero napansin ko na mugto ang mata niya. Teka umiyak ba sya?
"Ok ma pero bakit mugto mata mo, umiyak kaba?"sabi ko sakanya at pumasok na kami sa bahay.
Napansin ko na ganun padin ang bahay namin malinis at maayos at maganda tinignan ko yung mga pictures namin na nakasabit sa dingding pero nanlisik ang mata ko ng makita ko ang picture ni anica tsk.
Ang kapal talaga ng babaeng yun lahat na inagaw niya sakin! inagaw niya yung atensyon ni mama na dapat sakin lang at hindi sakanya.
Sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang aalis sa bahay na ito my dear sister. saka ko kinuha ang pic niya at tinapon sa basura.
END OF CHAPTER 8
THANKYOU FOR READING GUYS!
BINABASA MO ANG
The Meaning of Love (COMPLETE)
Teen Fictionsi Anica Caela ay may malubhang sakit at kahit sino ay walang maka tuklas kung anong sakit ito. Ang malubhang sakit nito ay sa tuwing matutulog sya ay comatose sya at sa tuwing pag gising niya ay nawawala ang memorya niya. Pano kung may dumating na...