ANICA POV
Pumasok nako sa bahay at binaba ang gamit ko sa school umakyat ako sa kwarto para magpahinga sana pero pagbukas ko pota! bakit ang kalat! parang binagyo ng yolanda! mygaddd! sino nanaman ang gumawa nito.
pero natigil ako ng biglang may nagsara ng pinto.
" well well well, do you like my surprise my dear sister?" sabi ni ate este martha kahit kailan hindi ko sya matatawag na ate.
hindi ko alam kung bakit sya ganito sakin, wala naman akong ginagawa sakanya. Basta nung bata kami close naman kami pero hanggang sa lumalaki na kami hindi ko alam pero nagiging masama si martha sakin
kaya simula noon hindi ko na sya tinuring na kapatid.
"Ano ba! martha! ano nanaman pumasok sa kokote mo at ginawa mo nanaman to!" sabi ko sa demonyo kong kapatid tsk. Pero ang gaga inarapan lang ako tsk.
"bakit di mo ba nagustuhan? hindi mo lang ba ako na miss?" sabi niya at nag kunwaring nagpupunas ng luha tyaka siya tumawa. Tsk baliw na talaga tong babaeng to.
"Malamang bobo kaba?! nag graduate ka tas di mo alam ang kagandahang asal at kung pano rumespeto at magmahal ng kapatid! how pathetic tsk.
"Eh ikaw nagaaral ka nga alam mo ba ang salitang magnanakaw?" sabi ni ate at tinaasan ako ng kilay.
"Oo, alam ko pero hindi ko gawain ang magnakaw ng hindi sakin." sabi ko sakanya pero this time nakita ko sa mata ni martha ang galit.
"Wow just wow! eh magnanakaw ka kaya." sabi niya at lumapit sakin saka sya bumulong sakin.
"Hindi mo alam?! lahat ninakaw mo sakin?! simula ng dumating ka sa buhay namin ni mama hindi na nya ako nabibigyan ng atensyon! lahat nasayo lang! purkit ba may sakit ka?! wow sana nga mamatay ka nalang para mapunta na sakin lahat ng dapat sakin. Ultimo sya inigaw mo sakin!" sabi niya kaya naman hindi ko maiwasang hindi maiiyak.
sa buong buhay ko yun pala ang rason kung bakit sya nagkaka ganyan sakin. Nandahil sa sakit ko! Sana nga mamatay nalang ako kasi kahit ako pagod na pagod nako.
humiga nako at pinikit ang mga mata ko at biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya kanina na pati sya inagaw ko sakanya? sino sya?
nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Hay umaga nanaman tumingin ako sa salamin at nakita kong maga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.
ang panget kona huhu ano bayan ngayon pa naman kami magkakasama ni babylove kasi nga pupunta kami sa section nila dahil kami ang magka partner at pag plaplanuhin namin kung ano ang kakantahin namin.
naligo nako at nakaayos na kaya naman bumaba nako para mag almusal nakita ko si ate na nakaupo sa upan ko kaya naman sa kabilang upuan nalang ako umupo.
" Ah anak di kita mahahatid ah kasi sasamahan ko si ate mo sa mall." sabi niya kaya naman tumango nalang ako pero tumingin ako kay ate nginisian lang ako at inirapan tsk demonya talaga tong bruha nato! nakakagigil.
" sige po ma." sabi ko kay mama pero biglang may naalala lang ako. Yung tungkol sa panaginip ko. Hay matanong nga si mama.
"mama may itatanong lang po kasi ako may kapatid po ba kayo na kamukhang kamukha niyo?" sabi ko sa kanya pero umiling lang si mama
"bakit mo natanong anak?" sabi niya at sinubo ang chicken saka niya ito nginuya.
"Eh kasi po nanaginip po ako." sabi ko kay mama at nag kwento ako kay mama tungkol dun sa panaginip ko.
"wag mo na problemahin yun anak panaginip lang yun." sabi niya at parang kinakabahan? ngek bakit kinakabahan si mama. Bahala na nga.
Nandito nako sa room at hinihintay ang guro namin. Habang naghihintay kami ay may kanya kanya silang ginagawa.
yung iba ay naglalaro, yung iba nag mamakeup,yung iba nag dradrawing,yung iba kumakanta na hala! exited si ate girl haha, yung iba nag liligawan,yung iba natutulog,si beshywap nagsusulat sa papel at naka kunot ang noo? ano kayang sinusulat nito.
napapansin ko na nilalayuan ako ni beshywap hindi ko alam kung bakit. Pero sa ngayon hahayaan ko muna sya.
dumating na si ma'am at saka kami lumas ng room para pumunta sa STEM section 1 dun sa room ng babylove ko hihi.
nandito na kami sa labas ng room at hindi ko mapigilan hindi kabahan dahil sa makikita at makakasama ko sya. kinikilig na kinakabahan ako ay ewan.
pumasok na kami at saka kami nag pakilala isa isa. Pero napansin ko si babylove ko na natutulog lang sya.
"Ok starting tomorrow wala ako dito so pwede niyo gamitin ang time ko pero babalik ako sa araw ng performance niyo at sa next next week na gaganapin yun." sabi ni ma'am
"Ok po ma'am." sabi namin
"Ok tumabi na kayo sa sinabi kong kapartner niyo." sabi ni ma'am kaya naman tumabi ako sa babylove ko.
Hindi naman nahirapan ang iba dahil may mga pangalan na nakalagay sa lamesa nila. Kaya naman makikilala nila kung sino ang makaka partner nila.
"Ok so pag isipan niyo o pag planuhin kung ano ang kakantahin niyo." sabi ni ma'am at umupo sa upuan niya at nag lalaptop.
Hala! pano ko sya kakausapin eh tulog! baka pag ginising ko sya magalit sya sakin. Hay bahala na nga para to sa grade namin.
kinalabit ko si babylove pero di pa sya nagigising kaya naman inulit ulit kong kalabitin sya hanggang sa magising sya at humarap sakin na nanlilisik ang mata.
"Ano ba! nakikita mo bang natutulog ako?! tsk." sabi niya kaya naman napa yuko ako kasi nagsitinginan yung mga kaklase niya at kaklase ko. Damn nakakahiya.
"Ah sorry babylo...." sabi ko sabay takip sa bibig ko. Shit bakit ko nasabi yun sa harap niya.
kaya naman nginisian niya ako.
"Baby pala ah." sabi niya na may ngiting demonyo sa kanyang labi niya.
"Wala yun ano kaba!" sabi ko sakanya
"Hmm sige baby." sabi niya kaya naman bigla akong namula. Shit si babylove ko ba itong kaharap ko?
"Ah kasi kailangan na natin pag planuhin yung performance natin." sabi ko sakanya.
"Hmmm sige pero pwede bukas nalang sa bahay ko nalang para mas mapagplanuhan natin ng maayos." sabi niya at nag taas baba ng kilay. Namula naman ako bigla.
"Ah sige anong oras bako pupunta bukas sainyo?" sabi ko sakanya.
" Mga 8 am punta kana tutal gagamitin natin time ni ma'am eh 3 hours naman ang time ni ma'am." sabi niya kaya tumango nalang ako.
At binigay niya sakin ang address ng bahay niya.
END OF CHAPTER 10
BINABASA MO ANG
The Meaning of Love (COMPLETE)
Roman pour Adolescentssi Anica Caela ay may malubhang sakit at kahit sino ay walang maka tuklas kung anong sakit ito. Ang malubhang sakit nito ay sa tuwing matutulog sya ay comatose sya at sa tuwing pag gising niya ay nawawala ang memorya niya. Pano kung may dumating na...