CHAPTER 17: Nightmare

1.2K 28 0
                                    


ESMERALDA POV

Nandito ako sa room ng anak ko at may rinig akong kumakatok sa pintuan. Kaya naman lumabas ako at nakita ko si Victoria na maluha luha.

"Anong nangyari sa anak ko? ok lang ba sya?" tanong ni victoria sakin.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero comatose nanaman sya at makina nalang daw ang bumubuhay sakanya." sagot ko naman sakanya.

"Esmeralda, may gusto sana akong sabihin sayo. Gusto ko sana kunin sakin si Anica, mas mapapagaling ko sya dun sa US babalik nako sa US sa friday." sabi niya sakin.

"Hindi hindi mo pwede kunin sakin ang anak ko." sabi ko sakanya.

At marami pang sinabi sakin si Victoria pero ayoko, ayoko talagang ibigay sya kay victoria dahil anak ko sya, akin na sya.

biglang dumating si eleazar, at pumasok sya sa room ni anica.


ELEAZAR POV

Pumasok ako sa room ni anica, nakita ko syang natutulog na parang sleeping beauty umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya.

sana totoo ang sleeping beauty, yung kapag hinalikan sya ng prince charming niya magigising sya.

anica, gumising kana please alam mo namang mahal na mahal kita right? please anica bumalik kana, gumising kana.

namimiss na kita anica namimiss ko na yung mga ngiti at tawa mo pati narin ang yakap mo. Na miss ko nadin halikan ang noo mo.

Sobrang miss na miss na kita anica, Please gumising kana my love.

saka ako tumayo para umuwe na dahil magpapahinga pa ako.

may pasok pako bukas siguro mag aabsent nalang ako bukas tutal mag gradution day naman na din sa next next week eh .

lumabas nako sa kwarto ni anica at naglakad papunta sa parking area.

sumakay ako sa sasakyan ko at pinagana na ang makina. 


Nandito nako sa labas ng bahay at pumasok na para makapag pahinga nako. 

Haysh.. ang daming nangyari sa araw na ito, nakakapagod. Pero never akong mapapagod sa taong mahal ko. Dahil sya lang ang minahal kong babae bukod sa mama ko.

humiga na ako sa kama at pinikit ang mata ko dahil maaga pako sa school kailangan ko ng matulog.


bakit ang dilim wala akong makita naglalakad lang ako sa madilim na gubat. Nang may maaninag ako na isang babaeng naka puti.

tinignan kolang sya dahil sa nakatingin sya sa langit. lumipat ako ng pwesto para makita ko ang mukha niya kasi parang kilala ko sya.

nagulat ako sa nakita ko, nakita ko si anica na naka tingin sa langit saka humarap sa akin. 

may mga ngiti sa kanyang mga labi na akala moy walang dinadamdam na sakit, sa tuwing ganyan ang nakikita ko labis akong umiibig.

bigla syang naglakad kaya naman sinundan ko sya.

"Anica, wait!" sigaw ko sakanya pero hindi ko na sya makita putcha! ang bilis namang maglakad.

pumasok sya sa isang pinto. Teka may pinto dito sa gubat? pero hindi ko nalang pinansin yun at sumunod sakanya pumasok ako sa pinto at pagkapasok ko sobrang liwanag lahat ng nakikita ko puti lang hindi ko sya makita. 

kung kanina nasa madilim na lugar ako ngayon naman nasa maliwanag ako haha. Ayos ah pinapagod moko my love haha.

naglakad ako ng naglakad nang makita ko si anica na naka ngiti sakin. Yung ngiti na hindi mo masabi na para bang isang taong nagpapaalam. 

tinawag niya ako kaya naman lumapit ako. Pero pagka punta ko duon nakita ko si anica na naka higa sa room niya at biglang bumaba ang heartbeat niya nagsi datingan ang mga doctor at sinusubukan syang buhayin.

pero hindi nila ito nabuhay pa. Hanggang sa gumuhit ang linya ng diretsyo na nagsasabing patay na ito.

Time of death 11:11 p.m sabi ng doctor bigla akong nabingi sa sinabi niya.

Nakita ko si anica sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko, anong ibig sabihin nito? patay na sya? hindi hindi ito maaari!

"Love, gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita, saan man ako mag punta hindi man kita kilala lagi kang nasa puso ko at titibok sayo. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng sobra pa sa sobra." sabi ni anica at nakita kong may luhang pumatak sakanya at saka sya ngumiti.

hanggang sa binitawan niya na ako at lumabas sa pinto. Sinundan ko sya pero nakita ko syang humarap sakin saka biglang nagliwanag at kinuha na sya.

Hindi! hindi ito totoo! please anica love bumalik ka! hindi kapa patay! hindi pa! mahal na mahal kita please!


Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, Shit late nako!

Pero diko maiwasang hindi mapaiyak dahil sa napanaginipan ko hindi pwede hindi ka pwedeng mamatay love.

tutuparin muna natin ang pangrap natin, hinding hindi na kita iiwan love. I promise 


*SCHOOL*

Nandito ako sa school at naglakad paakyat ng room ko, umupo nako dito at saka hiniga ko ang ulo ko sa lamesa ko.

"Ok class so gusto ko lang i announce kung sino ang nanalo," sabi ni ma'am sa amin.

ok 3rd place ay si Kaye Mendoza at si John Bocco

2nd place ay si Loisa hanzo at si Alucard Zeus

Ang 1st place naman ay walang iba kundi si Jasher Cyril at si Nicolaus Smith

at para naman sa pinaka nag wagi sa performance na ito ay walang iba kundi si Anica Borlaza at si Eleazar Quenzora.

palakpakan naman natin ang mga nanalo at naka kuha ng mataas na grado.

Since wala si anica at nasa hospital ay sana ipag dasal natin sya. Yung lang maraming salamat pwede na kayong mag bakasyon babalik nalang kayo sa graduation day ninyo.



JASHER CYRIL POV

hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkaka ganito nalulungkot ako at naiiyak dahil sa nangyari sa kaibigan ko pero may part padin sakin na natuwa dahil mapapasakin na si eleazar.



MARTHA POV

Natutuwa ako sa nangyayari dahil sa wakas ako na ang magiging prinsesa, hay salamat at kukunin na sya ng tunay niyang magulang. Pero salamat din dahil maaagaw ko na sakanya si eleazar.



VICTORIA POV

Nandito ako sa bahay para ayusin ang mga papeles at passport ni anica, dahil dadalhin ko na sya sa US sasama na sya sakin.

mas ok kung sasama sya sakin dahil mas safe sya doon at mas matitignan sya duon.

sana mawala na ang sakit mo, hindi ko alam kung ba ganyan kita pinanganak.

sorry anak ah nang dahil sa akin nagka ganyan ka kung alam ko lang na buntis ako noon hindi na sana ako nag take ng sleeping pills. 

Dahil siguro doon baka nag ka ganyan ka sorry anak kasalanan ko lahat.

promise pag punta natin doon babawi ako sayo anak, pangako yan mahal na mahal kita anak.





END OF CHAPTER 17

Thankyou for reading guys! iloveyou hehe






The Meaning of Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon