CHAPTER 15: The truth

1.2K 26 2
                                    


ELEAZAR POV

Nandito ako sa labas ng emergency room at hinihintay lumabas ang doctor na nag asikaso sakanya. 

hindi ko na alam ang gagawin ko, kagat kagat ko ang kuko ko at pabalik balik akong maglakad.

ano bang nangyayare sayo anica? ano bang hindi ko alam? may sakit kaba bakit nagkaka ganun ka. 

Hindi mo pa nga natutupad pangako mo para sa ating dalawa diba tapos ganun ganun nalang yun?

Hindi mo pa nga naririnig kung sinong nanalo diba nung kumanta tayo, alam kong paborito mo ang batangas dahil sa doon tayo nagka kilala pero sana naman anica gumising kana.

pupunta pa tayong batangas oh. Lalaki ako pero kung umasta ako dito parang bakla kasi naiiyak nako eh sobra kasi kitang mahal. 

Sana bumalik kana sakin hindi pa nga tayo nag kakaayos oh. Pleaseee yung love letter mo lagi ko binabasa alam mo ba yon?

biglang tumunog ang cellphone ni anica. At pagka basa ko dito ay mama niya ito, tumatawag ang mama niya hindi ko alam kung pano ko sasabihin to sakanya.

"Anak nasan kana ba?! anong oras na nag aalala nako dito kanina pa akala ko may nangyare na sayo buti naman sinagot mo." sabi ni tita esmeralda hindi ko alam kung pano ko sasabihin to sakanya.

"Ah tita hindi po ito si anica si eleazar po ito." sabi ko kay tita

"huh? sinong eleazar yung ex ba ni anica ko?" sabi ni tita.

"opo tita ako nga po ito." sagot ko sakanya.

"ah ok, eh bakit nga pala nasa sayo yung cellphone ng anak ko?" sabi ni tita.

"tita kasi po ano eh, kasi po si anica sinugod kopo sa hospital, andito po ako sa hospital ng pagmamay ari po namin." sabi ko kay tita

"Ano?! anong nangayre sa anak ko! kasalanan mo nanaman ito!" saka niya pinatay ang tawag.


Hindi ko alam kung bakit nasabi niyang kasalanan ko ito. Ano bang nagawa ko nung na car accident ba sya. Nandahil ba sakin iyon?

nandito ako sa labas ng ER at umupo sa gilid, maya maya natanaw kona si tita esmeralda na tumatakbo kasama si martha.

yung mukha ni tita ay parang umiiyak kanina pa dahil sa mugto ang mata nito, habang si martha ay parang wala lang sakanya kung ano ang nangyayari para bang sanay na sanay na.

tumayo ako at sinalubong ko sila pero nagulat ako ng sinampal ako ni tita esmeralda.

"Ano nanaman ang ginawa mo! kasalanan mo ito! dahil pinag isip mo nanaman ang anak ko na stress nanaman sya siguro nandahil sayo! hindi kaba naaawa sa anak ko? pagod na sya sa kundisyon niya! pinipilit ko sya hindi ma stress sobrang inaalagaan ko sya! tapos ikaw! ikaw nanaman ang dahilan kung bakit nag kaganito sya!" sabi ni tita at galit na galit na umiiyak sa harap ko.

"Hindi kopo kayo maintindihan, tyaka hindi kopo kasalanan, wala po akong maling nagawa" sabi ko sakanya.

"Anong wala! masyado kang iniisip ni anica! at yun ang hindi pwede sakanya! hindi sya pwedeng mag isip ng mag isip! naiintindihan mo ba?! may sakit ang anak ko! at hindi ko na alam ang gagawin ko! dahil walang lunas dito!" sabi niya

"Po..o? may sakit po?! kailan pa? kaya ba niya ako iniwan dahil sa may sakit sya?" sabi ko naman sakanya

"Oo, kaya ka niya iniwan dahil dun! at natatakot nako sa pwedeng mangyare sakanya! hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko ang anak ko ayoko syang mawala sakin.

"Hindi naman o sya mawawala dahil may gamot po may lunas na pwede para sakanya." sabi ko sakanya.

"Anong lunas! sana nga meron! pero wala bata palang sya walang lunas para sakanya! hindi ko alam kung saan saan na kami nagpatingin, nakakarami na kami ng hospital napuntahan, anong klaseng sakit yan pero wala! hindi nila maintindihan kung bakit nalang sya na cocomatose kapag matutulog at sa pag gising niya ay wala syang maalala maski na pangalan niya!"

nanlambot ang tuhod ko at napaluhod. 

Ano, anong sabi niya?  walang lunas? kakaibang sakit? hindi ko na alam gagawin ko, panong nangyari yun may ganun bang sakit? Ano to katawa tawa! pwes hindi ako natutuwa! hindi ko kaya to.

sinapak ko ang ding ding ng paulit ulit hindi ko na alam gagawin ko, Ang sakit sobrang sakit! ano bang nagawa kong kasalanan para mangyari sakin to hindi ko ba deserve?! hindi ba?!

biglang bumukas ang pintuan sa emergency room at lumabas ang doctor ang nurse.

kaya naman tumayo ako at lumapit kay daddy. Oo si daddy bakit hindi man lang niya sinabi sakin to! 

"Ah doc anong nangyare sa anak ko ok naba sya? gigising naman ulit sya diba?" sabi ni tita esmeralda at umiiyak

"pasensya na misis pero hindi kopo alam, sa ngayon comatose po sya at makina nalang ang ang bumubuhay sa anak niyo." sabi ni daddy kay tita

"Hindi, hindi totoo yan dad diba?! hindi totoo yan!" sigaw ko kay daddy hindi naman to totoo diba?! hindi!

"Anak ginawa ko na lahat nag test pa kami ng mga doctor para sa gamot niya, dapat nga after ng performance niyo pupunta sakin dito si anica para kunin ang gamot na nagawa namin. Pero nagulat ako ng sinugod mo sya dito." sabi ni daddy

"Pero diba gigising pa sya?" sabi ko kay daddy diko mapigilang hindi lumuhod kay daddy.

"Hindi ko alam anak, sa ngayon mag hintay nalang tayo kung may miracle na mangyare." sabi ni daddy saka sya umakyat sa taas para pumunta sa office niya.

hindi, hindi sya pwedeng matulog ng habang buhay! hindi sya pwedeng mamatay! mahal na mahal ko si anica please ibalik niyo sakin! please wag niyo kunin sakin si anica mahal na mahal ko sya sobra.

hindi kona alam ang gagawin ko kapag iniwan niya nanaman ako, minsan niya na akong iniwan! at hindi na ako papayag na iiwan niya ako ulit! 

 saka ako umalis at pumunta sa office ni Dad.





END OF CHAPTER 15

thankyou sa pagbabasa! <3

The Meaning of Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon