ELEAZAR POV
Nandito ako sa sa tapat ng room ni anica, at binuksan ko ito. Ang sarap tignan ng kanyang mukha dahil sa napaka amo nito at napaka ganda.
hinding hindi ako nagsasawang mahalin ang isang babaeng katulad mo.
umupo ako at hinalikan ang kanyang noo, ilong at ang kanyang labi.
hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ang likod ng palad niya, anica gumising kana please? paulit ulit nalang akong nagdadasal na magising kana.
mahal na mahal kita anica, hind mo naman ako iiwan diba? nag promise ka sakin na tutupadin natin ang pangarap natin.
ito na nga eh binigyan kita ng pagkakataon, madaya ka anica sobrang daya mo. Gumising kana love please love.
nakita kong may tumulong luha sa kanyang mata at gumagalaw ang kanyang daliri.
"Anica! gising kana love?!" sabi ko sakanya na may saya sa aking pakiramdam.
dumilat ang kanyang mata at saka tumingin sakin. Yung tingin na sobrang lungkot.
"I..Lov..e...y..ouu" mahinang banggit ni anica saka biglang tumunog ng maingay na nagsasabing mamatay na sya. Nakita kong gumuhit ito ng linya saka ako sumigaw para maghanap ng doctor.
"Tulong! nurse! doc! tulong! yung pasyente dito!" sigaw ko sakanila saka sila nagsi takbuhan.
1..2...3... clear!! 1..2..3.. clear! toottootootoootoootototooott...........
time of death 11:11 p.m, hindi! hindi ito totoo! hindi! hindi pa patay ang babaeng mahal ko!
"Pasensya na anak, ginawa kona ang lahat para sagipin sya. Pero sumuko na sya, kaya ganun din ang gawin mo anak. Pakawalan mo na sya, tanggapin mo kung ano ang naka tadhana sakanya. Yan ang destiny niya anak ang mawala na dito sa mundong ginagalawan natin." sabi ni daddy.
bigla nalang akong napaluhod dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kaya to, sana ako nalang ang nawala at hindi sya, sana ako nalang ang mamatay.
sana ako nalang inuna niyo, para susunduin ko sya, o sana sabay nalang kami, pero ano iniwan niya na ako.
ganito mo ba talaga ako parusahan?! sobrang sakit! sobrang sobrang sakit! hindi kona kaya! bakit ganito! ang hirap isipin, ang hirap isiksik sa kokote na wala kana! na patay kana! hindi ko kayang mawala ka anica!
lumabas ako at tumakbo sa kalsada, kaso nagulat ako ng may makita ako liwanag. Kukunin naba ako?
sige kunin niyo na ako, kunin niyo ako para makasama kona ang mahal kong babae.
hanggang sa sinagasaan nako ng mabilis na truck, at dumilim ang aking paligid.
Nagising ako na sobrang daming butil ang lumabas sa aking mukha at katawan. Habang hinihingal pa ako.
meron ding luha sa aking mga mata, at nakita kong nakahiga na pala ako sa semento pati ang inuupuan ko dito sa classroom.
lumingon ako sa likod at nakita ko si ma'am na naka taas ang dalawang kilay habang naka pamewang sa akin.
"Hindi mo ba alam! na pambabastos sakin ang pagtulog mo sa klase!" sigaw sakin ni ma'am
"sorry po ma'am, hindi po kasi ako nakatulog ng maayos dahil nag bantay po ako sa hospital. Sorry po ma'am hindi napo mauulit." sabi ko sakanya.
"talagang hindi na mauulit! tsk nag aannounce ako dito kung sino ang panalo tapos ikaw pahiga higa lang at tutulugan ako sa loob ng klase sa loob ng oras ko!" sigaw niya ulit sakin.
"Sorry po talaga ma'am hindi napo mauulit." sagot ko ulit sakanya.
*CAFETERIA*
Nandito ako umoorder ng hotdog sandwich at pancit tyaka bumili nadin ako ng mountain dew.
naghanap ako ng mauupuan pero andaming estudyanteng nakaupo, pero may nakita akong isang bakante dun sa babaeng kaibigan ata to ni anica.
"Pwedeng maki upo miss? wala na kasing bakanteng pwede kong maupuan eh bukod dito." sabi ko dito sa kaibigan niya hindi ko alam kung anong pangalan niya.
pero tinignan niya lang ako na parang tulala? tas namumula? hala! parang si anica haha ganyan na ganyan din sya tumingin sakin.
"Miss, ok kalang? pwede ba? kung hindi naman pwede ok lang dun nalang ako kakain sa garden." aalis nako sana ng hawakan niya ang braso ko.
"Hindi! sige! pwede! oo! hala shocks kinakabahan ako! sige kuya pwede naman umupo dito hihi." sabi niya sakin hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa inakto niya para kasi syang si anica.
ganyan na ganyan ang minahal kong babae, pero kahit na ganun sila kay anica. Si anica padin ang mahal ko at hinding hindi ko sya ipagpapalit kahit na sinong humadlang sa amin.
dahil mahal na mahal ko si anica ko, ang nag iisang babaeng nagpatibok ng puso ko.
"Ah thankyou miss, btw nakikita kitang kasama si anica, kaibigan mo ba sya?" tanong ko sakanya.
"Hindi, i mean Oo! sorry hindi ko kasi naintindihan tanong mo hehe." sagot naman niya, naguluhan ako dun ah.
"Ah nice, btw I'm Eleazar Quenzora and you are?" tanong ko sakanya.
"I'm Jasher Cyril, but you can call me jashy for short" sabi naman niya.
"Ok sige." sabi ko sakanya saka ako kumain.
Nang matapos akong kumain ay pumunta na ako sa klase ko, at nagturo na si sir sa amin.
after 2 hours....
hay salamat uwian na last na pasok ko na kasi to dahil bakasyon na at babalik nalang kami sa graduation day.
Hay sayang kasi naman hindi ko makaka sabay si anica sa pag akyat pero ok narin kasi kahit hindi sya naka attend still naka pagtapos na sya.
At natupad na niya ang pangarap namin pero may kulang parin. Ang makasama sya, ang makasal sya, ang makahanap ng magandang trabaho, at ang magka pamilya.
kaya sana gumising kana anica. Andito na oh hinihintay kana nung pangarap ko. Kaya kailangan mo nang magising my love.
Nandito na ako sa room ni anica at binabantayan sya, kasama ko ang kanyang tunay na mama pero nanonood ito habang nag babantay.
umupo ako dito sa tabi ni anica at hinawakan ang kanyang mga kamay.
gising na love uy! tanghali na! bahala ka dyan tulog ka ng tulog magmamanas ka dyan! haha.
haysh inaantok nanaman ako, makatulog nga muna pero bago ako matulog hinalikan ko sa noo at sa labi si anica.
Nakita ko namang may luhang tumulo sa kanyang mga mata.
buti nalang talaga at panaginip lang yung kanina, kasi kong totoong nangyare yun gagawin ko talaga yun love, magpapasagasa talaga ako para lang makasama din kita sa libingan hehe.
I Love you my love sweetdreams muwaaa......
END OF CHAPTER 18
hi guys thankyou sa mga nagbabasa ng story na ito.
at sa mga error ko sa mga mali ko paki intindi nalang syepre.
dahil ang hirap mag type sa totoo lang haha.
BINABASA MO ANG
The Meaning of Love (COMPLETE)
Teen Fictionsi Anica Caela ay may malubhang sakit at kahit sino ay walang maka tuklas kung anong sakit ito. Ang malubhang sakit nito ay sa tuwing matutulog sya ay comatose sya at sa tuwing pag gising niya ay nawawala ang memorya niya. Pano kung may dumating na...