III

143 9 0
                                    

III

Alliyah Llye's POV

"Hello, Ronna," pagtawag ko sa kanya habang nakahiga sa kama ko.

"Oh, bakit bakla?" sagot nya sa kabilang linya. Halatang pagod sya dahil kakatapos lang ng finals namin.

"Free ka ba sa tuesday? Samahan nyo ako ni Rachelle," paawang sabi ko sa kanya habang minamasahe ang sentido ko.

"Tuesday? May gagawin na ako sa tuesday bakla e, may gay party kasing magaganap that day. Minsan lang yun. Sorry talaga," sabi nya, at halatang guilty ang tono.

Napa-tango naman ako. "It's okay, ano ka ba! Nandyan pa naman si Rachelle e. Enjoy sa party, wag papakalasing ha!"

"Oo na, bakla. Sorry talaga. Tawagan mo si Rachelle, baka yun pwede."

"Sige, I will end the call na. Babye." I click the end button at hinanap naman ang pangalan ni Rachelle.

"Hello, Alliyah?! Teka, why are you calling? Let's talk later!"

Nailayo ko naman ang tenga mula sa cellphone dahil sa lakas ng ingay mula doon. I sighed. Mukhang nasa Club sya. Argh! Nakalimutan kong minsan lang sya free at lagi syang nasa party!

"Ayus lang, chelle. Ingat ka dyan!" sigaw ko para marinig nya.

"Ha? Babye muna, let's talk sa IG na lang, loveyou bitch."

And it ended. Mukhang marami rin syang schedule ng party! Paano ako papayagan ni Mommy? Napakagat na lang ako ng labi habang nag-iisip. Argh! I have no choice.

Pinindot ko ang pangalan nya at hinintay na sagutin ang tawag ko.

"Woah, you're calling me? Na-realize mo na ba na mahal mo rin ako?"

I rolled my eyes. Naupo ako at huminga nang malalim. "Dream on, Red. That will never happen."

"Awts, ang sakit naman. So bakit ka sakin napatawag?"

I hesitated at first pero, I had no choice! "I need to ask you a favor."

"Hmm, let's hear it."

"Well, ikaw na lang ang available at kilala ni Mommy na kaibigan ko. Can you join me? Tuesday, pupunta akong concert," I explained.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "You know what, ayokong tanggihan ka. Pero, may date ako sa tuesday."

Yes, kahit ganyan si Red. He's also a player. Maraming naghahabol na babae sa kanya. He's well, handsome tho'.

"Really? Well, good luck!"

But, disappointment is eating me. Hindi na ba talaga ako makakapunta? This is an opportunity, minsan lang ako payagan ni Mommy. Kapag nalaman nyang wala akong kasama ay hindi nya ako papayagan. Argh! Goodbye IVOS Concert.

Bigla naman syang napapitik sa kabilang linya na para bang may naisip sya. "Pero, wag kang mag-alala. Malakas ka sakin 'no, just tell tita na ako ang kasama mo. But, I have a replacement."

Malakas naman na tumibok ang puso ko. No way! He's not talking about him!

"W-Who?" I gulped.

Tumawa lang sya. "Just wait."

I rubbed my hands together. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan at bakit parang gusto ko na lang magtago. Pero, hindi ko pa naman alam kung sino diba? Malay ko bang ibang kaibigan nya yun. Bakit ba napaka-assuming ko naman?

Will you marry Me? Where stories live. Discover now