VIII

80 5 0
                                    


VIII

Alliyah Llye's POV

"Hoy, bitch," rinig kong tili ni Rachelle.

Napa-aray naman ako at napa-lingon nang may sumabunot sa naka-ponytail kong buhok. Napa-simangot ako sa kanilang dalawa.

"Bakit?" I asked them.

Nagpamewang si Ronna sa harapan ko. "Aba, anong bakit? Bigla ka nalang umalis kagabi sa party. We couldn't find you. Hindi ka manlang nag-message na uuwi ka na pala!" sermon nya.

"Right. I thought nakipag-chukchukan ka na!" dagdag pa ni Rachelle.

Umiling ako habang naglakad na kami sa open field. "Sorry, masama ang pakiramdam ko kagabi kaya  umuwi na ko kaagad. Hindi na ko nakapag-paalam sa inyo."

Napa-iling lang silang dalawa. "Gaga ka, kinabahan kami, lagot kami kay tita non!" sermon ulit ni Ronna.

"Oo na, sorry na nga e."

"Okay ka lang friend?" he asked.

I nodded. "Ayus lang, medyo masama pa ang pakiramdam ko pero, ayus lang ako."

"Uminom ka ng gamot mamaya, baka magkasakit ka. Malapit na yung stage play nyo," paala nya kaya tumango ako.

Naghiwalay-hiwalay na rin kami dahil magkakalayo ang building naming tatlo. Dumiretso na ako sa building namin at umakyat sa hagdan dahil sa second floor ang room namin.

Habang umaakyat ay bigla akong nabangga ng lalaki kaya muntik na akong mahulog. It's a luck that I managed my balance.

"Sorry, Miss," sabi nya at nagulat nang makita ang mukha ko.

"Auburn," I called him.

Pero umiwas lang sya ng tingin at nagmamadaling bumaba sa hagdan. He didn't bother to look or greet me. I don't know what to feel. Simula kagabi ay nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nya. I'm really bothered, did I do something wrong? Y-Yung kiss ba namin yun? Is he offended? I don't know. At anong ginagawa nya rito?

Natapos ang klase nang walang pumasok sa isip ko. Iniisip ko lang buong araw kung bakit sya umiiwas sakin. I know, he's avoiding me. I want to know if I did something wrong so, I can say sorry to him. Why is he acting like that?

"Alliyah!" Nagising ako nang may tumawag sakin habang kumakaway.

"Cole," I waved back at him.

Kasama nya sa likod ang naka-simangot na si Blue at ang naka-ngiting si Daniel. They are walking towards me, kaya lumapit na rin ako sa kanila. Oo nga pala, may gig ulit kami mamayang gabi.

"Anong ginagawa nyo rito?" I asked them nang makalapit ako.

"We're picking you up, duh." Blue rolled her eyes.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Ah, sabay na ko sa inyo?"

"Oo, sabay ka na samin. Magr-rehearse pa raw tayo sabi ni manager," Cole answered.

Tumango ako at napa-isip. "Pero, wala pa 'kong damit," I said.

Daniel laughed. "Ayan si Blue, papahiramin ka nyan ng damit, diba?" He glanced on Blue who's shock.

"What? No way!" she exclaimed. "Punyeta ka!"

Cole laughed. "Hayaan mo, papahiramin ka nyan ng damit. Tara na, baka magalit pa si manager." At tumawa ulit sya.

Will you marry Me? Where stories live. Discover now