IV

111 8 0
                                    

IV

A

lliyah Llye's POV

"Hello, Red? Gago ka ba? 7 AM pa lang ng umaga bakit ka tumatawag?" inaantok na sagot ko kay Red.

"S-Sorry to disturb you." Napa-bangon naman ako sa boses na narinig ko. What the?

"Ay Puta---Auburn?" I almost shout.

Bakit na sa kanya ang cellphone ni Red? "H-Hello? Where's Red? At anong maitutulong ko sayo?"

I heard him cleared his throat before answering. "Sorry ulit kung nagising kita. Red told me to call you."

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok ko. "It's okay, wag kang mag-sorry. What's the deal?"

"Well, Red said that his Dad's Bar need a vocalist for a band, dahil umalis ang vocalist nila. And I suggested you," sagot nya sa kabilang linya kaya halos matumba ako.

"You what?!! Auburn, why did you do that?" dismayang tanong ko.

I heard him sigh. "Sorry, ikaw lang ang kilala kong marunong kumanta. And besides, you'll be a vocalist until they find another one."

I sighed. Naupo ako sa kama at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. "Ano pa bang magagawa ko, nandyan na yan. May bayad ba?"

I heard him laughed. Bakit sya tumatawa, aba wala nang libre ngayon 'no. Isa pa, sem-break namin ngayon pero kakanta ako sa Bar nila, it's supposed to be my rest.

"Of course, may bayad ang talent mo."

And I blushed.

"K-Kailan ba ako magsisimula?" I asked.

Bumalik ulit sya sa pagiging seryoso. "See you later at the rehearsal."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?! Mamaya na?!"

I sighed. Bakit ko ba tinanggap ang offer na 'yun? Dapat pala hindi ko na lang yun tinanggap. Now I'm suffering! Argh!

"Para san ang buntong hiningang yun, bakla?" tanong ni Ronna.

"Argh! Paano ba naman kasi ako nadawit dito?" desperadang tanong ko.

Umupo sya sa tabi ko at tumawa. "Sino ba kasing pumayag dahil sa pogi ang umalok sa kanya abir?"

Namula ako at umiwas ng tingin sa kanya. "H-Hoy! Hindi ako pumayag dahil sya ang nagsabi 'no! I-Isa pa, may bayad kaya. Pwede kong idagdag sa ipon ko para sa mga concert."

Nakakaloko lang syang ngumiti. "Wala naman akong sinasabing ikaw, bakla. Pero, sabi mo e. Ede, sige na nga."

Mas lalo akong namula sa sinabi nya habang tumatawa lang sya. Kaibigan ko ba talaga 'to? Argh! Imbis na i-comfort ako, tatawan pa.

Nandito kami sa Bar ng Daddy ni Red. Basically, tito ni Ronna. Hinihintay pa namin ang ibang member ng band para sa rehearsal. Wala pa ang guitarist at ang bassist.

"Bitches!!"

Napa-lingon kami sa tumili at nakita si Rachelle. Syempre, pagdating sa Bar hindi papahuli ang isang 'yan. Umupo sya sa tabi namin ni Ronna at nakipag-beso.

"What's happening here na?" tanong nya agad.

"Ayan, gusto na ni Alliyah mag-back out," sagot ni Ronna sa kanya.

Umikot naman ang mga mata ni Rachelle. "What? You're backing out? Come on bitch, you can't. Lalo na't pupunta dito si Papi Auburn!"

Namula ako nang sabihin nya yun, and I don't know why! Ngayon, hindi ko alam kung mahaharap ko pa ba sya o mahihiya na lang. My friends are teasing me, simula nang samahan nya ako sa concert ng IVOS. Argh! Nakakainis.

Will you marry Me? Where stories live. Discover now