23 (n.)

69 1 0
                                    


3:10 pm
keizen: san mo gusto kumain?

lucas: kahit saan basta kasama kita

keizen: dami mong alam! saan ngaaa

lucas: dun nalang sa sm cafe

keizen: sige see you! 5:00 pm!

lucas: see you there.

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Lucas

Papunta na ako ngayon sa sm cafe. Sobrang nasasaktan parin ako dahil hindi malabong isang araw ay sila na pala ni mark.

"Lucaaas!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Yuqi! Long time no see!" Natuwa naman ako nang makita ko si Yuqi. Kaibigan ko siya nung middle school. Sabi nila may gusto siya sakin pero normal na yun kasi ang gwapo ko.


"Kamusta ka na?"

"Eto, gwapo parin! President padin ako ng student council. Lagi nalang tss." Sagot ko naman. Natawa siya sa sinabi ko. Ang cute talaga ni Yuqi. Pero mas cute si Keizen.


"Tara, kain tayo dun sa lagi natin tinatambayan dati! libre kita!" Pag-aaya niya. Tinignan ko ang oras at medyo maaga pa naman.


"Sige. Tara."


"Let's go!" Sabi niya at inilagay niya ang kamay niya sa braso ko. Ganito talaga siya. Clingy pero tolerable naman.

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Medyo napasarap ang kwentuhan namin at di ko namalayan ang oras. Naisipan ko ng umuwi at magcheck ng phone.

4:30 pm
keizen: lucas! medyo malalate ako ah, hinatid ko lang mga pinsan ko sa bahay nila tita

5:04 pm
keizen: nandito na ko. Asan ka na? 5:00 pm ang usapan natin ah?

keizen: char ang oa ko, 4 mins palang naman nakalipas HAHAHA

5:37 pm
keizen: uhm malapit ka na ba?

5:56 pm
keizen: almost one hour late ka na hehe, ngayon ka lang nalate ng ganito

6:34 pm
keizen: uuwi nalang ako

6:45 pm
keizen: sana sinabi mo nalang na may iba ka palang kasama kumain.

keizen: paasa haha

Shit. Bakit ba nawala sa isip ko na magkikita kami ni Keizen? Ang tanga tanga mo Lucas!

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon