92 (n.)

34 0 0
                                    


6:50 am
taeyong: cas pasend nga ng pics mo para sa research natin

lucas: ikaw na magsend tinatamad ako

lucas: andito pa ko sa kwarto

taeyong: otw

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Lucas

Narinig ko namang bumukas ang pintuan at nakita ko si taeyong hyung na pumasok sa loob. Inabot ko ang phone ko dahil tinatamad nga ako kumilos. Nakakawalang gana yung mga nalaman ko kagabi. Andito ako ngayon sa dorm namin. Dito ako nagpalipas ng gabi.


"Lucas ano 'to?" Seryosong tanong ni taeyong hyung at ipinakita ang chat ni baekhyun hyung sa akin.


"Bat mo binasa yan hyung? Hahaha, wala yan."


"Niloloko lang ba nila tayo? Seryoso ba 'to?" Hindi makapaniwalang saad ni taeyong hyung. Kahit ako hindi rin makapaniwala.



"Sabi ko kay keizen kagabi magsend siya ng picture niya. Hyung, suot niya yung nasa picture na sinend ni baekhyun hyung. Nakakatanga." Mapait kong sabi. Wala naman akong problema kung hindi niya ako mahalin pabalik eh, wag niya lang ako lolokohin ng ganito. Mas masakit.


"Hyung, wag mo nalang sabihin sa iba. Ayoko rin sabihin kay keizen. Please, hyung. Satin nalang 'to. Ayoko ng gulo." Napabuntong-hininga siya at mabagal na tumango.

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon