34 (n.)

61 0 0
                                    


─── 。゚☆: *. .* :☆゚. ───

Lucas

Papunta na kami ni Keizen sa Food Park. Naglalakad lang kami dahil malapit lang naman 'to sa village namin. Si Mark pati si Yuta hyung ay kapareho ko ng village kaya syempre si Keizen ay kapitbahay ko rin.

"Hoy Lucas!" pagtawag sa akin ni Keizen.

"Ano ulit yun?" Pagtatanong ko. Nakita kong may itinuro siya sa di kalayuan.

"Si Yuqi. Hahaha stalker mo ba yun?" Nakita ko si Yuqi na naglalakad palapit sa amin pero sa sahig siya nakatingin. Tinawag siya ni Keizen. "Yuqi! Yuqi dito!"

Agad namang lumapit si Yuqi. "Hala, Keizen? Lucas? Magkakilala kayo?" tulirong tanong niya.

"Oo! Tara kain tayo, libre ni Lucas." Saad ni Keizen at kinindatan ako. Ang ganda niya sobra.

"Kaklase ko siya nung middle school. Taga-kabilang section ka. Di mo ko kilala no?" Biglang kwento ni Keizen habang naglalakad kaming tatlo. Nauuna si Yuqi at kaming dalawa naman sa likod.


"Hindi. Wala akong kilalang panget dati." Pagbibiro ko. Matagal na kitang kilala. Gusto na kita dati pa.

"Che! Kala mo naman ang gwapo."

"Gwapo naman talaga. Diba Yuqi?" Pagtatanong ko. Alinlangan namang tumango si Yuqi.

Nakarating na kami sa food park at nag-insist si Keizen na siya na daw oorder pero ako parin yung magbabayad. Tss. Kuripot.


"Lucas? Hindi ko alam na magkakilala pala kayo hahaha! girlfriend mo siya?"

"Hindi ah!" Pagtanggi ko.

"Masyado ka namang defensive. Haha. Anyways, halata ka naman kahit di ka umamin. Kung ako sayo, gagalaw na ko." Halata ba talaga ako? Tsk.

"Pero kasi Lucas, gusto kita." Alam ko naman yun eh.

"Gusto din kita."

"T-talaga?"

"Hmm. As a friend."

"Ah haha! Nagbabasakali lang naman ako na baka gusto mo din ako. Don't worry, support kita kay Keizen!" Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Lucas, Yuqi! Uh..hindi na pala ako makakasabay. May ano..masakit tiyan ko. Hehe. Enjoy kayo!" Biglang saad ni Keizen na nilapag ang mga pagkain sa table. Ano nangyari dun?

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Keizen

Pabalik na sana ako ng table nang marinig ko ang pinag-uusapan ni Yukhei at Yuqi. Psh. Mukhang may nag-aaminan pa dito. Epal lang ako sa kanila.

Bumalik ako sa mga stalls at bumili ng lemonade para sa sarili ko. Pagbalik ko ay nagpaalam na ako pero hindi ko alam kung bakit parang kumikirot yung puso ko habang tinitignan ko silang magkasama.

Bagay kayo.


Pero mas bagay sana tayo.


Inalis ko sa isip ko ang mga thoughts na yun dahil alam kong magmumukmok lang ako magdamag. Nahurt na nga ako nung sinabi niyang di niya ko kilala nung middle school eh. Crush ko na siya nun. Lagi ako nakasulyap sa kanya pero never ko siya nakausap. Si Yuqi yung lagi niyang kasama kaya hindi malabong may gusto nga sila sa isa't-isa.


One time, nakita ko si Lucas na kasama si Jaehyun. Aaminin ko na nung oras na yun ay may nararamdaman parin ako para kay Lucas kaya naman ay itinuon ko ang atensyon ko kay Jaehyun. Gwapo siya at talented. Naging crush ko naman talaga siya pero hindi ko parin sure kung nawala na yung nararamdaman ko para kay Lucas kaya naman nagchat ako sa kanya at nagkunwaring humihingi ako ng tulong. Dun ko nakumpirma na siya parin talaga yung gusto ko.


Sinubukan ko din gustuhin si Mark pero wala talaga eh.


Kahit sino pang subukan kong gustuhin, bumabalik at bumabalik ako kay Lucas. Saklap.

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon