84 (n.)

40 0 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Keizen

Agad akong bumaba nang sabihin ni kuya na nandito si Lucas.

Andito nga siya. Kahit meron siyang onting pasa sa mukha, lumilitaw pa rin ang kagwapuhan niya.

Agad siyang ngumiti at inabot ang isang bouquet ng roses. "Sabi mo pag bumalik ako tayo na."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Oo. Tayo na. Bawal ka ng magpamiss. Bawal kang mang-iwan."

Kumalas siya sa yakap namin at tinignan ako. Sobrang laki ng ngiti niya. "Hinding-hindi na ko aalis sa tabi mo."


Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako nang naramdaman kong ilalapat niya na ang kanyang labi. Onti nalang--"Hoy! Bawal maghalikan dito! Shoo! Ang haharot niyo!" Pamimigil sa amin ng epal kong kuya.

"Hyung naman! Panira ka ng moment tsk." Napakamot ng ulo si Lucas. Natawa nalang ako.

Nandito na siya. Nandito na ang mahal ko.

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon