98 (n.)

35 0 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Lucas

Pagdating namin sa tambayan ay nakita namin ang isang note na nagsasabi namang pumunta kami sa auditorium.


"Nanttrip ka lang yata eh." Sambit ni Yuta hyung. Hindi ko rin alam kung bakit kami pinapapunta dito ni Keizen.


Pagkarating namin sa auditorium ay nakapatay ang mga ilaw. Maya-maya pa ay may narinig kaming footsteps papalapit sa amin.


Bumukas ang ilaw at bumungad sa amin si Mark na nakahoodie at pants. "I guess I'm back?"





Katahimikan.






"MARK?!?!?" Sigaw ni haechan. Ang lahat ay nagsigawan at niyakap siya. Nagkatinginan kami ni taeyong hyung at nagkibit-balikat lang ako.


Lumapit ako sakanya at nakipagfist bump. "Hey man, welcome back." Sambit ko at ngumiti. Bumati din si taeyong hyung at halata sa mga mata niya na marami siyang katanungan. Marami din akong tanong. Marami akong gusto malaman, pero mas gusto ko nalang manahimik para sa ikasasaya ni keizen.



Pagkatapos ng batian at pagdiriwang ay niyaya niya kami sa 119 Cafe. May mini celebration daw siyang hinanda doon.



Tahimik lang ako habang iniinda ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon