109 (n.)

32 0 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Keizen

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Lucas na nakasuot ng white tshirt, gray sweat pants, at magulo ang buhok niya.


"Bakit ka nandi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila para yakapin. Ito yung yakap na ramdam mong ligtas ka. Ito yung yakap na puno ng pagmamahal.


"I'm sorry. I'm really sorry. Mahal na mahal kita. Hindi ko na kaya na wala ka sa tabi ko. I miss you so much, my baby." Emosyonal niyang sambit habang nakayakap parin sa akin. Unti-unti akong kumalas sa yakap niya at ngumiti.



"Mahal na mahal din kita, Lucas."



Hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago nagsalita, "Hindi na kita papakawalan. Hindi na mangyayari yun ulit. Itaga mo pa sa abs ko."


Hinampas ko naman siya sa sinabi niyang yun at mahinang tumawa. Naglakad-lakad muna kami sa village habang magkahawak ang aming mga kamay. Maya-maya pa ay may naisipan akong itanong.


"Bakit ka nga pala nakipaghiwalay sakin?"


Napalingon naman siya sa akin at tumawa muna bago nagsalita, "May nakakita sainyo ni Mark sa 119 cafe nung pinaplano niyo palang yung surprise niyo. Akala ko niloloko niyo ko. I thought you were cheating on me."


Mahina ko siyang binatukan sa sinabi niya. Niloloko daw namin siya ni mark??! Grabeng pag-iisip naman yun. Grr.


"Eh nalaman mo rin naman na magkasabwat kami ni mark sa surprise ah, bakit di ka parin nakipagbalikan?"



"Kasi nakita kong napapasaya ka niya. Mahalaga kayo pareho sakin at ayoko namang saktan si mark. Kaya lang ang dami nilang pinarealize sa akin kaya eto ako ngayon, kasama ang babaeng mahal na mahal ko."



"Sinong nagparealize sayo?" Tanong ko.



"Si Mark..at si Yuqi."



"Si Yuqi?"



Tumango siya. "Oo. Nagulat rin ako. Akala ko ipipilit niya yung sarili niya sakin, hindi pala. Bilib din ako sa dalawang yun, handa sila magsakripisyo para sa mahal nila."



"Ikaw din naman eh." Sabi ko. Nginitian niya ako at humarap siya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo bago mahinang nagsalita, "I love you, Keizen. I really really love you."

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon