37 (n.)

49 0 0
                                    


─── 。゚☆: *. .* :☆゚. ───

Lucas

Chinat ako ni Yuta hyung na pumunta daw ako sa grocery store malapit samin. May kailangan daw kasi akong marinig.


Hinanap ko sila at maya-maya pa ay natanaw ko na si Keizen na nakatalikod sa akin.


Nginisihan ako ni Yuta hyung ngunit hindi siya nagpahalata at nagpatuloy sa kanilang pinag-uusapan.


Gusto na pala namin ang isa't isa nung middle school palang. Grabe.



Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Keizen, hindi ko na napigilang hindi magsalita.




"Oo. Gusto kita." Pagsabat ko sa usapan nila. Hindi ko na papakawalan 'to.


"L-lucas.." mahinang sambit niya.


"Hiramin ko muna si Keizen, hyung! Iuuwi ko siya mamaya." Sabi ko kay Yuta hyung at kinindatan siya. "Oo sige! Enjoy!"



Botong-boto sa akin si Yuta hyung. Minsan nakakapagtaka na pero yun pala kasi alam niya na may gusto kami sa isa't isa. Tss.




Sorry Mark. Kamusta ka na diyan? Sana kayanin mo. Pinagdarasal kita.



Hinila ko si Keizen palabas ng grocery store na tulala parin. Halatang hindi makapaniwala.



"So..gusto mo rin pala ako?" Panimula ko. Nakita ko namang namula siya.



"At gusto mo rin ako! Bwiset."



"Edi bagay tayo." Sabi ko at inakbayan ko siya. Naka-cross lang ang mga kamay niya habang nakakunot ang noo.



"Bagay naman talaga tayo kesa kayo ng Yuqi mo. Tss."


Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Ang cute cute niya! Pinagseselosan niya pala talaga si Yuqi.

"Ano ka ba babe! Ikaw lang naman gusto ko."


"Speed ka Lucas ah! Babe agad?" Sambit niya at inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.


"Okay sige, can I court you?" Seryosong tanong ko at nginitian siya ng sobrang lawak. Eto yung ngiting matutunaw ang kahit na sinong makakita.


"H-ha?" Tulirong tanong niya.


Hinawi ko ang ilang hair strands niya na humaharang sa mukha niya at inipit ito sa tenga niya bago muling nagsalita, "Pwede ba kitang ligawan?"



Nag-iwas siya ng tingin at saka sumagot, "A-ano ka ba, a-ano, sige, pwede, ano—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at ako na ang nagconclude ng sinabi niya. "So that's a yes."



"O-oo na nga! Teka, nagugutom ako. Tara kain hehe." Pag-iiba niya ng usapan. Tsk. Ganito pala kiligin si Keizen?



"Okay, tara." Pagsang-ayon ko at inilahad ang kamay ko. Medyo kinabahan ako nung hindi niya inaabot ang kamay ko pero napawi yun lahat nang ngumiti siya at masayang tinanggap ang inilahad kong kamay.




Isa lang ang masasabi ko, kinikilig ako.

altruistic ✧ lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon