Twelve

5.9K 91 1
                                    


"ATE, BUKSAN mo ang TV mo! Ngayon daw ang labas ng bagong MTV ng Sentinel!"

"Heh!" Hindi inaalis ni Sassa ang atensiyon niya sa ginagawa niyang illustration. "Manood kang mag-isa kung gusto mo. Huwag mo akong istorbuhin dito at marami akong trabaho."

"Pero, Ate, ayaw mo bang makita si Papa Tommy mo?"

"Ayaw."

"Bakit?"

"Dahil ang dami mong tanong. Umalis ka na o babawasan ko ang allowance mo."

"Kasi..."

"Hinding-hindi na kita paglalaruin sa computer ko."

"Okay."

Sa wakas ay natahimik na rin ang kanyang kuwarto. Ngunit nawala na rin ang concentration niya sa ginagawa dahil sa pagbanggit ng kanyang kapatid sa pangalan ni Tommy. Magdadalawang linggo na mula nang mangyari ang pagpapaalaman nila ng binata sa isa't isa. He had kissed her twice and told her he would come back to her. Pero ilang beses na niyang naririnig ang mga balita rito mula sa kanyang pamilya, ni minsan ay walang nabanggit ang mga ito na may posibilidad na magbabalik pa roon si Tommy. Iniwasan na nga niyang manood ng mga balita at magbasa ng mga diyaryo para lamang hindi siya masabik nang husto na makita ito.

Ngunit habang tumatagal na wala man lang siyang natatanggap na kahit isang text o tawag mula rito, parang unti-unti na ring naglalaho ang pag-asa sa kanyang puso. Naisip tuloy niyang baka nadala lamang ito ng mga nangyari noon sa mall kaya hinalikan siya nito. Gayunpaman, ayaw ring tanggapin iyon ng kanyang isip. She wanted to believe he kissed her because he also felt something for her. Hindi man iyon gaya ng nararamdaman niya, at least, may kaunting espesyal na damdamin ito para sa kanya. Pero puwede rin namang wala. Na nagti-trip lamang ito.

Pero hindi. Imposibleng paglaruan ni Tommy ang damdamin niya. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya rito. He would not deliberately hurt anyone.

Nilingon niya ang telebisyon. Binuksan niya iyon at hinanap ang istasyong tinutukoy ng kanyang kapatid. Eksakto ang pagkakabukas niya niyon dahil ini-interview pa lamang ang mga miyembro ng banda. Mukhang inilaan ang segment na iyon ng naturang show para lamang sa album launch ng Sentinel.

Agad na nakilala ng kanyang puso ang lalaking hinangaan niyon sa loob ng matagal na panahon at minahal sa napakaiksing panahon. Tommy was looking superb as usual.

"Tommy, how's your love life?" tanong ng host. "Mukhang masaya ka ngayon, ah. Iyan ba ang nagagawa ng misteryosang babaeng nali-link sa iyo nitong mga nagdaang araw?"

Nagkibit-balikat ito. Hindi pa rin nawawala ang kislap sa mga mata nito. His suppressed smile created a scream from the audience. Napahigpit naman ang pagkakahawak niya sa lapis. Mysterious woman? Siya ba ang tinutukoy ng mga ito?

"Well, Mr. Fontanilla, is it safe to say this woman is the rumoured ex-girlfriend of yours na nakaayos mo na at ngayon ay nakikitang kasa-kasama mong lumabas?"

"Sino 'yon?"

"Singer-actress Katrina Velasquez."

Nagtawanan ang mga kabanda nito. Si Tommy ay pangiti-ngiti lamang. Nagpatuloy ang host.

"Or is it the rumoured girl you met when you went into hiding to finish the songs for your new album?"

"No." Nabura ang ngiti sa mga mata nito. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang sinabi ng host. "I haven't met anyone lately."

Daig pa niya ang binuhusan ng isang drum ng tinunaw na yelo dahil sa sinabi nito. Tommy just denied her existence in his life on national television.

"I see. Anyway, with your combined wealth as an artist and as a Fontanilla, you can be considered as one of the Philippines' wealthiest. May balak ka bang sumunod sa mga yapak ng kuya mo bilang isang billionaire boy?"

"Wala."

Pinatay na niya ang telebisyon at hinarap ang malaking poster nito. "Sinungaling ka. May pangako ka pang nalalaman na babalik ka, ikakaila mo lang pala ako... kami ng mga tagarito sa Barangay Kamias." Pinalo niya ng hawak na lapis ang poster. "Hindi mo na lang sana ako hinalikan. Buwisit ka!"

Sa sobrang inis at pagdaramdam ay ginuhitan niya ng sungay, balbas, at pangil ang poster. Pagkatapos ay tinanggal na niya iyon sa pagkakadikit sa dingding at itinapon sa basurahan. Nahawakan din niya ang minsang pinuri nito na manga comic book na gawa niya. Pati iyon sana ay itatapon niya ngunit nagbago ang kanyang isip nang makita ang pagkaka-drawing niya sa bidang lalaki. It really looked like Tommy with his messed-up hair, handsome face, nice eyes, and great smile. He was also wearing black shirt and pants, his favorite outfit. Ibinalik niya sa drawer ang manga comic book at saka muling hinarap ang trabaho niya.

Subalit hindi pa man siya nagtatagal sa ginagawa niya ay naramdaman na niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang mga pisngi. Pumatak iyon at nagmarka sa illustration niya nang bumagsak iyon doon. She wiped it away with her hand but it was no use until she stopped crying. Hindi nga lang niya magawang awtomatikong mapahinto ang kanyang mga luha dahil talagang nasaktan siya sa sinabi ni Tommy sa telebisyon. Dapat talaga ay hindi na niya iyon pinanood pa.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon