LUMAPAD ang ngiti ni Sassa nang makita niya si Tommy na nakasandal sa gilid ng perfume boutique. His trademark black shirt and torn-on-the-knee pants were replaced by a simple long-sleeved shirt and loose denim pants. His adorable messed-up hair was tamed by a bull cap and his handsome face was half hidden by the dark-rimmed eyeglasses he was wearing. Obvious na nagpupumilit itong makihalubilo sa mga taong nagkalat nang mga sandaling iyon sa loob ng mall. Hindi na makikilala ito bilang isang sikat na bokalista. Ngunit hindi naitago ng disguise nitong iyon ang angking gandang lalaki nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit marami-rami na ring mga babae siyang nahuling nakatingin dito.
Nagrigodon ang kanyang puso nang lumingon ito sa direksiyon niya at saka nginitian siya. I love you, Tommy! Sa isip lamang niya nasabi iyon dahil isang simpleng "hi" lamang ang nasambit niya nang salubungin siya nito.
"Akala ko, iindiyanin mo ako," anito. "Pupuntahan na nga sana kita sa inyo."
"Ang OA mo naman." Calm your heart, Sassa. This is your first date. Don't screw this up. "Bakit naman kita iindiyanin? Parang nagpakamatay na rin ako n'on, 'no!"Yuck! Ang corny! "Ahm, iyan ba ang dahilan kung bakit hindi tayo nagsabay ng alis sa bahay kanina?" Ang bagong getup nito ang tinutukoy niya.
"Hindi naman. Kumonsulta lang ako sa stylist ng Sentinel para makalabas ako nang maayos ngayon nang walang makakahalatang member ako ng banda namin." Inayos nito ang suot na salamin. "Mukhang effective naman."
"Medyo. Sana nga ay walang makakilala sa 'yo."
"Sana ay okay lang sa iyo na dito muna tayo sandali. Gusto ko lang maranasan ang normal na buhay kahit sandali."
"Hindi ka pa ba nakakapunta sa mall?"
"Nakapunta na pero matagal na iyon. I want a relaxing day with you." He took her hand and they walked hand in hand. "I want to enjoy your company. Kaya kalimutan mong ako ang idol mong si Tommy, the band vocalist. Let me just be an ordinary man today with you, Sassa."
Tila kinikiliti ang kanyang puso sa mga sinabi nito. "Huwag ka ngang magsasalita nang ganyan, Tommy. Baka isipin kong may gusto ka na sa akin niyan, eh."
"Well, ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong isipin."
"Talaga?" Nilingon niya ito. Hindi na yata talaga magiging normal pa ang tibok ng kanyang puso kapag ito ang kaharap niya. "Sige, iisipin ko na lang na may gusto ka sa akin."
"Good. Subukan natin ang tiangge na iyon."
Kung anu-anong bagay ang kinutingting nila sa tiangge. Ang lahat ng masusubukang isuot ay isinukat nila. Pinatulan nila ang lahat ng mga patikim ng iba't ibang pagkain at nakiusyuso sa pagde-demo ng kung anu-anong kagamitan. At sa lahat ng mga naranasan niyang pakikipag-date, ang date nilang iyon ni Tommy ang pinakamasaya. He made her feel relaxed and special at the same time. Laging nasa tabi niya ito. Laging itinatanong nito kung napapagod o 'di kaya ay nagugutom na siya. Lagi rin itong nakaalalay sa kanya kapag napapadaan sila sa mga nagsisiksikang tao. Kaya naman kahit ang mga simpleng bagay na ginagawa nila ngayon ay naging espesyal dahil kasama niya ito. Hindi na yata siya makakaramdam ng gutom at pagod hanggang kasama niya ito.
"Ano ang tingin mo sa babaeng 'yan?" turo niya sa isang babaeng naglalakad habang nagpipipindot sa keypad ng cellphone nito. "Maganda ba siya?"
Nakaupo na sila noon at nagpapahinga sa gilid ng fountain na nasa pinakagitna ng mall na iyon. Pareho silang may bitbit na tig-isang ice-cream cone.
"Oo," sagot nito.
Nakaramdam siya ng munting kurot sa kanyang puso. "Type mo siya?"
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love
RomanceCrazy Little Thing Called Love By Sonia Francesca