Thirteen

13.9K 229 18
                                    


"THERE came a time when I thought I would lose hope in life. It was easy just to be that way, losing hope, fading dreams. Until I saw you walking towards me. Things are just too different now, feeling great for the simplest things, just 'cause you were there with me. I don't want to see sadness in your eyes. I don't want to hear the loneliness in your voice. Just turn around and I'll be here for you. Love didn't mean a thing until you taught me how to love truly. This time I know, for real and for always, I will love you till the end of time..."

Nagpatuloy ito sa pagtipada sa strings ng electric guitar nito. Upbeat at rock ang tugtog ngunit sa mga lyrics ng awitin ay damang-dama ni Sassa ang tunay na ipinahihiwatig ng kung sinumang nag-compose ng awiting iyon.

"I don't give a damn what other people say. I just know you are for me and I am for you. So let me say this to you now, love didn't mean a thing until you taught me how to love truly. Love doesn't mean a thing if you're not here with me. Take me, love me... my Sassa..."

Nag-solo guitar performance ito at doon lamang niya nakita nang malapitan ang totoong kakayahan nito. There was no doubt why he was awarded titles the best vocalist and best guitar performer of the year. Subalit ang mas nakakuha sa atensiyon niya ay nang titigan siya nito sa buong panahon na tumutugtog ng gitara at kumakanta ito.

"Ito ang mga awiting nalikha ko dahil nasa tabi kita, Sassa," wika nito. Tumigil na ito sa pagtugtog. Tumahimik na rin ang mga tao sa paligid kaya malinaw na maririnig mula sa malalaking speaker sa coaster bus ng mga ito ang tinig nito. Napalinga siya sa paligid. Lahat ng tao ay nakatingin na sa kanya at iisa lamang ang reaksiyon: tuwa at inggit sa kanya dahil nagawang patigilin ni Tommy ang trapiko roon para lamang makapagtapat sa kanya.

"Hindi ko inakalang masasaktan ka nang labis dahil sa mga sinabi ko sa interview na iyon. Dapat pala talaga ay sinunod ko ang sinabi ng mga kabanda ko. Na bigyan na kita ng babala tungkol sa mga susunod mong maririnig at makikita sa mga interviews namin sa pagpo-promote ng album namin. Binale-wala ko iyon dahil ayokong mag-alala ka. Sorry kung nasaktan kita. God knows I never wanted to hurt you, Sassa. Pero kailangan kitang protektahan kaya nasabi kong wala akong ibang tao o ibang babae na nakilala nitong mga nagdaang araw. Ayokong guluhin nila ang tahimik mong buhay.

"Ayoko ring magulo ang kapayapaan sa lugar ninyo. You took care of me while I was in your community. The people there gave me the privacy I needed. The least thing I could do for them was not to expose that place in the limelight. Magulo ang mundo ng showbiz at ayokong sumakit ang ulo mo sa dami ng mga problemang makakaharap mo oras na nakilala ka ng showbiz. That's why I denied you on national television. I just wanted to protect you. I'm sorry if I hurt you in the process."

Bumaba ito ng kotse na ginawa nitong makeshift stage pagkatapos iabot sa may hawak ng mikropono ang gitara nito. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kanya. Pero naglagay ito ng distansiya sa pagitan nila. Marahil ay tinatantiya nito ang magiging reaksiyon niya sa lahat ng iyon.

"Forgive me?" halatang nag-aalangan na tanong nito.

Napahikbi siya dahil sa bagyong hatid ng iba't ibang emosyon sa kanyang sistema. She had hated him, loved him, hated him, and loved him again in just a few minutes. Pero hindi siya iiyak sa harap nito. Masyado nang marami ang mga luhang inilabas niya nang mga nagdaang gabi.

"Hindi ko alam," sabi niya. "Bigyan mo pa ako ng ibang dahilan kung bakit kailangan kitang patawarin ngayon."

"Because you love me."

Her nose was suddenly up in the air. "Kulang pa iyan."

Nagprotesta ang audience nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon