Chapter 2 - Ryan Ronquillo

721 54 11
                                    

“WHAT’S UP, GUYS? I know, alam nyo na ang balita.”

“Ano na naman ito, Ryan?” Si Eve.

“Wala yan. Nag-usap lang naman kami, nagkataon lang na umuulan. Big deal ba yun?”

“Dapat maging conscious ka sa image mo. Di ka dapat nai-involve sa ganito.”

“Don’t worry. I assure you na this will not be a big issue. As I said, nag-usap lang kami nung driver. Walang sakitang nangyari.”

“Pero sabi sa balita…”

“Sabi sa balita. Kasi gusto nilang palakihin ang issue. Pero I swear, wala akong sinaktang tao.”

“Mag-usap tayo mamaya.”

“Yeah, pahingi muna ng kape…,” kay TineJoy nakatingin si Ryan. Matiim.

Nasa mukha ni TineJoy ang pagtatanong kung siya ba ang kukuha ng kape.

“Miss, sabi ko pahingi ng kape.”

“Oo, sige. Sandali lang kukuha na ako.” Halatang natataranta si TineJoy habang papunta sa pantry para magtimpla ng kape. Bakit ba ganito ang epekto sa kanya ng lalaking ito? Hindi naman ganito kahapon.

Eh bakit naman magiging ganyan kahapon, ni hindi mo nga siya nakilala kahapon. Alam mo lang na parang may kamukha siya. Pero di mo natukoy na siya pala si Ryan Ronquillo. Si TineJoy na rin ang sumagot sa tanong na nasa kanyang isip.

Ilang saglit lang at dala na ni TineJoy ang mug na may lamang kape. Iniabot niya iyon kay Ryan.

Tinantiya ni Ryan ang init ng kape. Nang malamang sakto lang ang init ay hinigop niya ang laman ng mug.

“Shit! Ano ito? Bakit ang tamis? Kape ba ito o arnibal na nagpapanggap na kape?”

Di alam ni TineJoy kung anong sasabihin.

“Bago ka ba rito at 'di mo alam ang timpla ng kape ko?”

Marahang tumango si TineJoy.

“Next time, 'pag humingi ako ng kape do it without sugar. Without cream. Black.”

“Sorry po.” Hindi alam ni TineJoy kung dapat nga ba siyang mag-sorry. Over naman ang akusasyon ng Ryan na ito na arnibal ang ginawa niyang kape. Isang kutsaritang asukal lang ang nilagay niya dun. Kahit 'di niya tinikman ang kapeng yun, alam niya hindi 'yun tatamis nang katulad ng lasa ng arnibal.

At malay ba niya na galit pala sa asukal ang lalaking ito.

Kung nakamamatay lang ang galit na tingin, kanina pa sana tumimbuwang si Ryan. Buti na lang at wala nang kasunod pang sinabi ang lalaki dahil baka sagutin na niya ito nang pabalang.

"Halika na, balik na tayo sa trabaho," hinila na ni Irish ang braso ni TineJoy.

Sumunod naman si TineJoy pero may pahabol pa itong bulong bago tuluyang tumalikod pabalik sa kanyang mesa. "Ang yabang..."

"May sinasabi ka ba, miss?"

Biglang lingon si TineJoy kay Ryan. "Ha? Ako?"

"Oo, ikaw."

"Wala naman. Wala akong sinasabi. Sige po, sir babalik na po ako sa trabaho."

Tinalikuran na ni TineJoy si Ryan. Hindi pa siya nakakarating sa desk niya nang may marinig niya ang isang tinig.

“Honey, why didn’t you tell me that you’re going here? Sana dito na ako dumiretso. Dumaan pa kasi ako sa condo mo, I thought you’re still there.”

Napalingon si TineJoy sa pinanggalingan ng boses. Ang landi-landi ng dating sa kanya ng boses nito. Nagtatakang napatingin siya kay Irish. Nagtatanong ang kanyang mga mata. “Sino siya?”

“Si Margaux. Margaux Imperial. Model. Actress. At nali-link ngayon kay Ryan.” Sagot ni Irish.

Sinalubong ni Ryan ng halik si Margaux. "Dapat kasi nagtext ka muna sa akin, or tumawag." Pagkuwan ay humarap sa staff ng kompanya at nagsalita, “Guys, I’m leaving.” Bumaling ito kay Eve. “Next time na lang tayo mag-usap. I need to go.”

“Yang gusot mo, ayusin mo 'yan!” Paalala ni Eve.

“Don’t worry. Sabi ko nga, it’s not a big deal. Hindi na lalaki ang isyung 'yan. Kalma lang.”

“Ikaw lang din ang inaalala ko. Ang career mo. Ang image mo.”

“And I appreciate it so much, Eve. Alam ko naman that you’ll always do everything para protektahan ako sa mga ganitong issue. Pero don’t worry talaga. I know na wala akong ginawang masama dun sa driver. Kinausap ko lang siya.”

“Hon, let’s go! Ihatid mo na ako sa pictorial ko.” Parang sinisilihan si Margaux at gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon.

“Okay, let’s go.” Kumaway pa si Ryan bago tuluyang lumakad papalabas ng opisina, kasunod si Margaux.

Hindi pa rin nawawala ang inis ni TineJoy kay Ryan. “Ang yabang naman pala ng Ryan na 'yun. Akala mo kung sino. Porke sikat siya, aasta siya na akala mo eh siya lang ang tao at ang iba ay mas mababang uri na sa kanya!”

“Hayaan mo na,” pagsaway ni Irish kay TineJoy. “Mabait naman 'yun pag walang sumpong. Baka na-pressure lang dahil sa issue ngayon sa kanya.”

“Kahit na. Hindi niya dapat dinadala sa labas ng bahay ang mga problema niya. Kasalanan ko ba na may nakakuha pala ng litrato habang kausap niya yung driver? Pasalamat siya at naunahan niya ako ng sindak kanina. Kung nagkataon, sasagutin ko talaga siya. Ma-terminate man ako sa kompanyang ito.”

“Mahirap maghanap ng trabaho, teh!”

Lumabi lang si TineJoy. “Eh ano naman. At least 'di ko pinayagan ang sinuman na tapak-tapakan lang ako.”

“Dramarama sa hapon ang peg mo. Di ka naman tinapakan nung tao. Natamisan lang talaga siguro sa kape mo. Forget mo na yun. Mag-work na tayo, girl. Di tayo binabayaran dito para magtsismisan. Mamaya na natin pag-usapan ang mga hinaing mo sa buhay.”

NAKASAKAY na si Ryan at Margaux sa kotse ng binata at ngayon ay bumibiyahe sila papuntang Novaliches kung saan magpi-pictorial ang modelo.

“Bakit kasi pinuntahan mo pa ako sa agency? Dapat kasi tumuloy ka na lang sa pictorial mo.”

“Gusto ko kasi ihatid mo ako eh.”

“Kailangan talaga, ako?”

“Of course! Ano ba tayo?”

Sandaling nag-isip si Ryan. “Ano nga ba tayo? Wala naman, 'di ba?”

Nanlaki ang mata ni Margaux. “Wala? We’re having sex like almost whenever we wanna do it tapos wala? So ano pala ako sa'yo? Plain sex partner? Parausan mo lang ba ako?”

“Those words are yours. Not mine.”

“Gago! Get off this car! I don’t wanna see your face again! Ever! Get off this car!!!” Pinagsusuntok ni Margaux ang balikat ni Ryan.

“Ano ba, mababangga tayo! And for your information, kotse ko ‘to. Now, if you don’t wanna see my face again… ever, ikaw ang bumaba sa kotse ko.” Inihinto ni Ryan sa gilid ng kalsada ang kotse.

Natigilan si Margaux. Nawala sa isip niya na kotse nga pala ni Ryan ito at ang sa kanya ay iniwan niya sa agency dahil mas gusto niyang kasama sa iisang sasakyan si Ryan.

“Ayokong bumaba.”

“Ayaw mo?”

“Ayaw.” Mabilis ang naging pag-iling ni Margaux.

Biglang pinasibad ni Ryan ang kotse. Dahil di handa ay halos masubsob si Margaux sa unahan ng sasakyan. Humarurot ang kotse habang si Margaux naman ay walang tigil sa pagmumura dahil sa ginawa ng binata.

Walang imikan sina Ryan at Margaux hanggang makarating sila sa studio sa Novaliches. Pagkababa ni Margaux, hindi na bumaba ng kotse si Ryan.

"I'll go ahead. Ipakuha mo na lang sa agency yung kotse mo."

Hindi sumagot si Margaux. Tinalikuran lang nito ang binata at nagmartsa na papunta sa loob ng studio.



Curves & EdgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon