Chapter 3 - Isa Pang Pagkikita

692 53 11
                                    

Hindi makatulog si TineJoy nang gabing yun. Kanina pa siya di mapakali sa higaan niya. Gustung-gusto na niyang matulog pero bakit ganito?  Ayaw siyang dalawin ng antok.  Buhay na buhay pa rin ang diwa niya. Ano bang iniisip niya? Sino bang gumugulo sa isip niya?

Si Ryan, sino pa? sabi ng isip niya.

"Oo, si Ryan naman talaga, di ko naman itinatanggi," pabulong na sabi ni TineJoy.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa opisina. Ang lalaking pangarap niya college pa lang siya ay nakita niya nang personal, nang malapitan... at nasungitan siya!

Iba ang akala niya kay Ryan. Dati, iniisip niyang para itong prinsipe na magiging knight in a shining armour ng sinumang prinsesa. Pero ang sungit-sungit pala nito sa personal. Parang kung sino!

Dati, pangarap niyang maging boyfriend ito. Ipinangako pa niya sa sarili niyang 'di baleng hindi siya nagkaboyfriend nung college dahil darating ang oras na si Ryan ang magiging boyfriend niya.

Ngayon, hindi niya alam kung gusto pa rin niyang matupad ang pangarap na 'yun. Sino ba ang gugustuhing maging boyfriend ang isang lalaking gwapo nga at sikat pero mayabang?

Teh, gusto ka ba niyang maging girlfriend? Yun muna ang itanong mo sa sarili mo. Kontra ng isip niya.

"Tapos, may girlfriend pang model na super sexy at sosyal. Pero mukha namang maldita." Kinakausap na ni TineJoy ang sarili niya.

Insecure ka lang, teh!

Insecure nga ba siya? Bakit naman siya mai-insecure sa Margaux na yun? Kung ganda ng mukha ang pag-uusapan, hindi siya pahuhuli kay Margaux.

Eh ganda ng katawan? Walang balak tumigil kaaasar sa kanya ang isip niya.

"Ah basta, katawan lang ang lamang sa akin ng Margaux na yun. Maliban dun, wala na,"  deklara ni TineJoy.

Humiga na sa kama si TineJoy pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Naalala niya ang sabi ng mga kaibigan niya sa probinsiya. Pag 'di ka raw makatulog, pumikit ka at magbilang ng mga tupang tumatalon papalabas sa bakod.

Sinubukan niyang pumikit. Ano ba itong nakikita niya, wala namang mga tupa. Isang gwapong lalaki, meron.

Si Ryan!

Si Ryan na naman? Paano ba mawawala sa isip niya ang pesteng lalaking ito? Hindi niya pinangarap na ubusin ang oras buong magdamag kaiisip sa kumag na ito na ubod ng yabang at suplado!

Self-confidence ang tawag dun,  'te! Sumali na naman sa muni-muni niya ang kanyang konsensya.  Ayaw siyang lubayan.  Binayaran yata ni Ryan ang konsensya niya para asarin siya!

GISING pa rin si Ryan nang mga oras na yun.  Nag-iisip din ito.  Masyado yatang komplikado ang mga nangyari nitong nakaraang dalawang araw.  Una,  nasagi ang kotse niya ng isang taxi. Pangalawa,  nagkasagutan sila ni Margaux.

Ah,  may isa pa.  Nasungitan niya yung isang staff sa agency.  Yung babaeng mataba pero napakaganda ng mukha.  Medyo natigilan pa nga siya nang makita niya ito.  Siguro dahil first time niya itong makita sa opisina. Pero pwede ring dahil nagandahan siya rito.

Di naman niya itatanggi,  maganda talaga ang babaeng iyon.  At saka niya naisip na hindi pala niya alam ang pangalan ng babae. "Sorry na lang sa kanya kung nasungitan ko siya," bulong niya sa sarili. Pero gustong aminin ni Ryan na nakakaramdam siya ng guilt dahil sa pagsusungit niya sa matabang babaeng iyon.

Eh 'yung kay Margaux?  Ah,  isa iyon sa mga bagay na ipinagkikibit-balikat lang ni Ryan.  Sanay na siya sa mga walang kawawaang away nila ni Margaux.  Ganun naman kasi talaga ang babaeng iyon.  Laging naghahanap ng pagtatalunan nila.  Kahit maliliit na bagay, pinalalaki nito para lang may maging issue between them.  At aaminin ni Ryan na nasasakal na siya sa ganung set up. To think na hindi namsn sila.

Pero nagse-sex sila ni Margaux kaya parang sila na rin.  Ang pangit naman kung wala silang relasyon pero may mga ganung benefits!

Pero mahal ba niya si Margaux?

O,  minahal ba niya si Margaux?

Natagpuan ni Ryan ang sariling hindi alam kung anong isasagot sa sarili niyang tanong.

Malalim na ang gabi nang makatulog si Ryan.

Si TineJoy naman ay mahimbing na rin pagkatapos magbilang ng mga tupa. Pero tila di pa rin tapos ang engkwentro nila ni Ryan dahil hanggang sa panaginip niya ay si Ryan pa rin ang kanyang kasama.  Nasa isang bukid daw sila, nagpipiknik.  Nakasimpleng t-shirt lang si Ryan at kupas na pantalong maong.  Pero gwapong-gwapo pa rin ang binata.  Kahit yata anong isuot nito ay babagay pa rin. Siya naman ay naka-bestidang bulaklakin at may bandana.  Masaya raw silang nagkukwentuhan ni Ryan.  Solo nila ang bukid.  Pinagmasdan nila ang kaygandang tanawin.  Sabay na nilalanghap ang sariwang hangin. Parang silang dalawa lang ang tao sa mundo.  Para silang nasa paraiso.

Hanggang sa panaginip, nakikita pa rin niya si Ryan.  Ito na ba ang senyales na silang dalawa ay para sa isa't-isa?

Sige,  mangarap ka TineJoy!  Libre naman ang mangarap eh!

Nagising si TineJoy nang umagang iyon na may ngiti sa kanyang mga labi.  Damang-dama niya na parang totoo ang kanyang panaginip.  Kung wala lang sanang pasok sa trabaho ngayon,  hindi pa siya gigising.  Baka may karugtong pa ang panaginip kung saan iba ang ugali ng Ryan na kasama niya.  Iyong Ryan na katulad ng inaakala niya.  Iyong Ryan na katulad ng pinapangarap niyang maging boyfriend...

At mapangasawa?!

Asa pa more,  TineJoy! Hanggang pangarap na lang talaga yan.  Never na magkakatotoo ang ilusyon mo.  Ayaw talagang lubayan si TineJoy ng nang-iinis niyang konsensya.

Pero paano nga kaya kung magkagusto sa kanya si Ryan?

Teh naman,  'wag kang mag-ilusyon!  Lagi ka ngang sinisinghalan 'pag nag-uusap kayo.  Paano 'yun magkakagusto sa'yo kung ganung parang allergic siya sa'yo?

The more you hate,  the more you love.  Meron namang mga ganoong sitwasyon.  Marami na ngang nagkatuluyan na nag-umpisa sa awayan,  sungitan at bangayan.  Pero in the end,  love naman pala talaga nila ang isa't-isa.

Ayaw talagang sumuko.  Hala,  ipilit pa ang gusto! Huwag ka lang iiyak-iyak diyan kapag hindi natupad ang mga ilusyon mo dahil binalaan na kita.  Parang dinig na dinig ni TineJoy ang bulong ng kanyang isip na kumokontra sa lahat ng nararamdaman ng kanyang puso.

Mahirap palang kalaban ang isip. Nagpasya si TineJoy na maligo na lang at maghanda para pumasok sa opisina.

Curves & EdgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon