WALA na siyang nagawa nang hawakan siya ng pulis sa braso. "Come here," sabi pa nito at dinala na siya sa naka-park nitong police car.
Kulang na lang ay magtakip siya ng mukha sa nadaramang sobrang kahihiyan. Nakikita niya kasing nakatingin sa kanila ang ibang mga tao sa park. Ang shunga-shunga niya. Of all places, dito pa talaga sa Singapore siya gumawa ng kashungahan!
Binilisan na niya ang paglalakad para mabilis siyang makasakay sa police car at nang makaalis na sila sa lugar na iyon. Kung saang presinto man siya dadalhin ng pulis na ito ay hindi niya alam.
Pagdating nila sa presinto ay ineskortan pa rin siya ng pulis papasok sa loob.
"Qíngkuàng rúhé?" tanong ng nadatnan nilang police officer. Inaalam nito kung ano raw ba ang kaso ni TineJoy.
"Wèi niǎo," sagot ng pulis na kasama niya. "Feeding the birds in public park."
Pumunta ang pulis sa desk nito at hinila ang isang upuan sa harapan. "You sit down," sabi nito sa kanya nang hindi ngumingiti.
Umupo si TineJoy na hindi nawawala ang kaba sa dibdib. Ganito pala. Ganito pala ang pakiramdam nang mahuli ng pulis at madala sa presinto.
"What's your name?" tanong ng pulis.
"Kristine Joy Roxas," sagot niya sa napakahinang boses.
"How do you spell your name?" muling tanong ng pulis na tila naguluhan sa sinabi niyang pangalan.
"K-R-I-S-T-I-N-E J-O-Y Roxas." Mabilis niyang ini-spell ang kanyang pangalan. Tila lalong naguluhan ang pulis.
"Give me your ID," seryoso nitong sambit habang nakatitig sa kanya.
Nag-aalangang dinukot niya sa dalang shoulder bag ang kanyang pitaka at kinuha roon ang kanyang company ID. Iniabot niya iyon sa kausap na pulis.
Binasa ng pulis ang mga detalyeng nakalagay sa kanyang ID at pagkatapos ay in-encode sa computer ang mga ito. Nang matapos ay ibinalik sa kanya ng pulis ang ID.
"So, you are a Filipina..."
"Y-yes," matipid niyang sagot.
"What are you doing here?" tanong ng pulis.
"Our company sent me here together with our talent who is a ramp model to participate in the incoming Search for Male Mannequins of Asia." Hindi niya alam kung makakatulong ba ang mga sinasabi niya para palayain na siya ng pulis. Gustong-gusto na niyang bumalik sa hotel.
Tumang-tango ang pulis. "So, where is the $500? You may now pay the penalty so we can let you go."
"But, I really don't have that amount. I only have $150 here. Would you accept $150? I can give it to you now. Please..." Naiiyak na siya. Ito na yata ang pinakamalaking kahihiyang dinanas niya sa buong buhay niya.
"If you can't pay the penalty, I need to put you behind bars until someone bails you out." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Come here, you stay there." Itinuro nito ang isang bakanteng kulungan.
"No! Please... Huwag mo akong ikulong," pakiusap niya sa pulis. "I'll call my companion. Maybe he has money to pay the $500 fine."
"Okay, call your companion now. You hurry up," utos sa kanya nito.
Mabilis niyang ni-recall sa kanyang isip ang phone number na nakita niyang nakasulat sa telepono sa unit ng hotel na tinutuluyan niya. Habang nagda-dial ay nagdarasal siyang sana ay tama ang numerong nai-dial niya.
Narinig niyang nagri-ring na ang numerong tinawagan niya. Ilang saglit din siyang naghintay bago may sumagot sa tawag niya.
"Raffles Hotel... How may I help you today?" Bingo! Nakuha niya nang tama ang telephone number. Gusto sana niyang maglulundag sa tuwa sa sobrang kasiyahan.
"Ahh... Can you connect me to unit 812? I would like to speak with Ryan Ronquillo," nag-aalangan niyang sabi. "I am his companion, the one occupying unit 810," dagdag pa niya para hindi na mag-usisa ang kausap niya.
"Okay, one moment please..." Saglit na nawala sa linya ang babaeng kausap niya at pagkatapos ay may narinig siyang boses lalaking nagsalita.
"Hello?"
"Ryan! Ryan, si TineJoy 'to. Tulungan mo naman ako." Kinapalan na niya ang kanyang mukha. Wala naman siyang matinong choice. Makulong o makiusap sa impaktong si Ryan.
"What? Where are you? Aren't you in your room?" Tila nagulat pang sabi ni Ryan.
"Nandito ako sa presinto. Namasyal kasi ako sa park. Pinakain ko ng sandwich 'yong pigeons, hindi ko naman alam na bawal. Eto, hinuli ako ng pulis. Tulungan mo naman ako. Kailangan kong mag-fine ng $500 para makaalis na ako rito sa presinto," mangiyak-ngiyak niyang kuwento. Kailangang maawa sa kanya si Ryan. Baka hindi siya tulungan nito. "Pautangin mo naman ako ng $500 o kahit $350 lang, please."
"Oh my God! Ano bang pinaggagagawa mo?" Ramdam niya ang inis sa boses ni Ryan. "Saan 'yang presinto na 'yan?"
Saglit na nawala sa linya si TineJoy. Nang magsalita ulit ito ay idinikta sa kanya ang address ng presinto kung saan siya dinala ng pulis.
Mabilis siyang kumilos para puntahan sa presinto si TineJoy.
Nadatnan niya itong nakakulong at tahimik na nakaupo sa isang sulok kung saan mayroong maliit na kama.
Kinausap ni Ryan ang pulis at binayaran ang fine na $500 para makalabas na ng kulungan si TineJoy. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang lumabas ng kulungan. Kahit noong sumakay na sila ng taksi pabalik sa hotel ay tahimik lang ito at hindi nagsasalita. Minabuti na rin niyang huwag magtanong para igalang ang pananahimik nito.
Pagkadating sa hotel ay diretso silang tumuloy sa kani-kanilang unit. Mag-a-alas siete na ng gabi. Kaya nagpa-room service na lang ulit ng pagkain si Ryan para sa kanilang dalawa.
Si TineJoy ay nakahiga na sa kama at tahimik na nag-iisip sa mga nangyari sa kanya kanina. Sino ba ang mag-aakala na ang plano niyang simpleng pamamasyal lang ay hahatong sa presinto.
Diyos ko! Parang hindi ko na yata nanaisin pang muling bumalik sa bansang ito, bulong niya sa sarili.
Bigla siyang napahagulgol nang maisip ang puwede niyang sapitin kung nagkataong wala siyang kasama sa pagpunta sa bansang ito. Paano niya mababayaran ang $500 kung mag-isa lang siya? Baka mabulok na lang siya sa kulungan kung ganoon nga ang mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/23205783-288-k139748.jpg)
BINABASA MO ANG
Curves & Edges
HumorPag nagmahal ka, piliin mo kahit hindi seksi. Alalahanin mo, magmamahalan kayo... hindi rarampa. ALL RIGHTS RESERVED. Rank 139 in Humor - Jan 1, 2018 Rank 288 in Humor - Dec 29, 2017 Rank 869 in General Fiction (May 7, 2017)