-CHAPTER 4-

60 14 0
                                    

Jane's POV

Kasalukuyang kausap ko ngayon si papa habang abala siya sa pagbabasa ng diyaryo niya.."papa" pagtatawag ko sakaniya agad naman itong nagbaling ng tingin saakin

"Ano yun, Jane?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Anak niyo ba talaga ako?"

Halos mabitawan niya yung diyaryong hawak niya.

"Bakit mo naman natanong iyan? Syempre anak ka namin"

"W-wala lang po,kung papansinin niyo wala akong kamukha sainiyong dalawa ni Mama Blonde yung buhok ko tapos kayo ni mama itim"

Nakakapagtaka nga eh natural na ganito ang kulay ng buhok ko simula bata pa ako.. Pati mga mata ko asul ang mga to kung titignan para akong anak ng isang Amerikano.


Bumuntong hininga si papa bago sumagot. "P-pinaglihi ka kasi ng mama mo sa manika kaya tignan mo ang ganda ganda mo" nakangiti niyang sambit.


Manika???

Bakit parang hindi ako naniniwala?


Ngumiti nalang ako tsaka hinawakan ni papa ang dalawa kong mga kamay "Jane..huwag mong sasabihin na hindi ka namin anak dahil saamin ka nanggaling"

"Sorry po nasabi ko yun"


Gusto kong tanungin at humingi ng permiso na gusto kong lumabas..

Gustong gusto ko kahit di na ako magdebut kahit makalabas lang ako ng isang araw masaya na ako..

Kaso ayoko silang suwayin..

Bakit ba sa dami ng taong pwedeng dapuan ng sakit na to bakit ako pa?

Dahil nasa loob lang ako ng mansyon buong araw ipinagpatuloy ko yung pagpipinta ko na hanggang ngayon di matapos tapos


Pumasok ako sa silid kung saan naroroon ang mga materyales ko pangpinta.


Umupo ako sa isang upuan na palagi kong inuupuan satuwing nagpipinta ako kinuha ko ang brush at isinawsaw ito sa pintura..


Isang imahe ng lalaki ang ipinipinta ko itong imahe na to ay ang parating laman ng panaginip ko ewan ko ba kung bakit pero sabi ni Manang Lina


kung sino yung taong nasa panaginip mo ay nais kang makita at sa kabilang dako siya ang taong makakatuluyan mo,sa totoo kinikilig ako kahit na sa panaginip ko lang siya nakikita..


Naisip kong makakahanap kaya ako ng lalaki na kagaya ng lalaking nasa panaginip ko?


Parang ang impossible dahil ngayon palang bilanggo na ako dibale nasanay naman na ako sa ganitong pamumuhay eh.


Nang matapos ko na yung pinipinta ko ibinabad ko to sa araw para madaling matuyo. Nagulat naman ako ng may kumatok kaya napahawak ako saglit sa puso ko.

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si manang Lina na may dalang meryenda. "Kayo lang po pala akala ko kung sino na"

Sabay kuha ko ng meryendang ginawa nila para saakin

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon