-CHAPTER 17-

44 7 0
                                    


MARCUS   POV

TAHIMIK akong nakasandal sa upuan na paborito kong upuan satuwing tumatambay ako rito.

Napansin kong maraming tao ang nagkukumpulan at mga tanod na nasa kalsada.Ano kayang ginagawa nila?

Nakita ko si Aling Pura na nagaabot ng mga bandiritas sa lalaking kaaakyat palang ng poste.

Oo nga pala bukas na ang piyesta ng mga ilaw nakakaexcite naman unang beses kong masisilayan ang pagdiriwang nila ng pista ng mga ilaw! Nakaramdam ako ng pagkabored kaya tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan nila Aling Pura.

"Oh Marcus! Naparito ka?" masiglang pagwiwika niya.

"Napansin ko po kasing abala kayo,pwede ko po kayong tulungan kung gusto niyo" nakangiti kong tugon.

"Sige ba magingat ka nga lang sa pag akyat ha!" Nginitian at tinanguan ko nalang siya.Nagsimula na akong umakyat mukha na siguro akong gorilla rito.

"Heto Marcus!" Sabay hagis at nakuha ko naman ang binato ni Aling Pura na bandiritas tsaka ko na ito agad na itinali.Bumaba narin ako pagkatapos kong makatulong.

Inalok naman kami ni Aling Pura ng meryenda kaya heto kami ngayon sa may maliit na kubo sobrang hangin dito kaya ang sarap sa pakiramdam kahit sobrang tirik ang araw hindi ko yun alintana! Dahil sa malamig na simoy ng hangin.

"Heto Marcus" sabay abot saakin nong lalake na moreno at matangkad halos magkasing laki lang kami halata sa katawan nito na may ibubuga siyang abs tss pero mas gwapo parin ako noh teka nga bakit niya alam pangalan ko?

~,~??

"Kilala mo ko?" Pagwiwika bago lagukin yung ibinigay niyang bote ng sprite. Nginitian niya lang ako at tumango.

"Oo nakuwento kana saakin ni inay"

Inay?

"Inay?" Paguulit ko sa sinabi niya.

"Oo hahaha nanay ko si Aling Pura"

Agad akong napakamot sa ulo ko at nginitian siya "ahh kaya pala," kaya pala mag pagkakahawig siya kay Aling Pura.

"Toni pala" lahad niya ng kamay niya mainit ko naman itong tinanggap.

"Nice to meet you" napabaling ang atensyon ko sa paparating na si Aling Pura nakangiti ito at may bitbit ngbasket ng mga puto.

"Mabuti at nagkakilala na kayo iho" sabay lagay ng isang platong puto na may keso sa ibabaw  kaya agad akong kumuha ako ng isa sabay subo! Tang*na!! ang saraaapp!!

"Opo,ang sarap po nitong puto! Saan niyo po ito nabili?"

Bahagya lang siyang ngumiti saakin at "ako mismo nagluto niyang mabuti at nagustuhan mo!"

"Woah! Galing niyo naman po" natawa siya ng kaunti at may inilabas na baunan sa mesa tsaka kanin

May sabaw ito at may kamatis at kangkong "ano naman po iyan?" Sabay turo ko roon.

"Sinigang na palakang bukid"

O_O!!!! "P-palakang b-bukid?!"

"Hahaha oo gusto mo ba?"

>_<!!

Biglang pumasok sa isipan ko yung gabing nakakain ako niyan?! Tae na!

"HINDI! ah ang ibig ko pong sabihin busog na po ako dito sa puto niyo hehehe! Sainiyo nalang po yan"

>_< i hate frogs!

Paano nila yun nakakain?! Sabi ni lolo tanda ligtas daw yun kainin kasi malinis iba ang palakang bukid sa natural na palakang pagalagala sa lipunan eww kahit anong kalinis non! Di pa rin ako kakain non!

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon