-CHAPTER 11-

43 9 0
                                    


MARCUS POV•

Nag inat ako ng buto ng mailapag ko siya sa mahabang bangko hays salamat nakarating narin kami.

"Ano bang nangyari sayo iha" tanong ni Lolo si Asyang naman ang sumagot.

"Lo,natapilok po kasi si ate Ganda."

"Mabuti at pinasan kaniyang si Marcus"

Ngumiti lang si Jane at kinuha ang malaki niyang bag at ewan kung ano ano pa yun may kinalkal siya roon at doon nakita ko ang dalawang foam na nakaplastik mukhang bago pa nga eh.

"Para po sainiyo iyan,Napansin ko pong luma na yung banig niyo at masakit sa likod kaya ayan po para mas lalong masarap po ang tulog niyo."

napapangiti lang ako habang napapatitig sakaniya.

"hay nag abala kapa.Maraming Salamat sayo Iha" sabay yakap naman ni lola sakaniya.

ang bait niya naman...

"Uyy si kuya naiinlove" mahinang panunukso sakin ni Asyang.

Yawa talaga 'tong bata na'to

>_<!!!

"Hindi noh anong inlove! ang bata bata mo.pa dami mo ng alam"

"weeehhh kunyare kapa eh crush mo siya noh?" itinuro ko naman yung sarili ko

"ako? hindi ah tss di naman siya maganda" sabay pasok ko sa kwarto ko.

>_<!!

tss.. why i am being like this?!

arghhh!!!!

kakikilala ko lang sakaniya kaya di puwedeng magustuhan ko siya agad baka mamaya alien pala yan na nagdidisguise as a human! what the fvck!! Marcus you're thinking like a kid. tsk.

Narinig kong tinatawag na ako ni lolo at lola para kumain kaya lumabas na ako sa kwarto ano ba kasing pumasok sa utak ko at para akong baliw na nagwalk out patungong kwarto na to?! tsk.

Pagkatapos naman naming kumain tinulungan ko si Jane na maglatag ng higaan namin,Lumabas naman ako saglit at naupo sa may lilim ng mangga ng madatnan kong nandoon si lolo na nagkakape.

"Lolo Ensyong" pagtatawag ko sakaniya.

"ikaw pala Marcus,bakit di kapa natutulog?" umupo naman ako sa tabi at inalok ako ng kape pero umiling lang ako.

"kayo po bakit gising pa kayo?"

"masiyado pa kasing maaga" sabay ngiti niya.Tinignan ko lang naman siya.

"Sabagay" sambit ko bago ako tuluyang sumandal dito sa upuan.

"Oo nga pala,kamusta ang papa mo?"

Bigla akong natigilan sa tanong niyang yun...

"matagal na po silang patay.."

Gulat na gulat na napalingon sakin si lolo..

"G-ganun ba? Bakit anong dahilan ng pagkamatay niya iho?"

"Sa Car accident po.."

Bigla nalang bumalik yung alaala ko anim na taon ang nakakalipas..

F L A S H B A C K

"PAPA! Tignan niyo po alam ko ng paliparin tong eroplanong papel!" sabay halakhak ko.

"Ang galing naman ng Marcus ko!" nakangiti niyang saad habang inilalagay sa bag yung mga gamit namin,saka ko lang napagtanto na aalis na pala kami sa Sitio na to..

"Ayaw ko pa pong umalis papa" nakanguso kong sambit hinawakan niya lang ako sa magkabilang balikat ko at huminga ng malalim

"Marcus,kailangan na nating umuwi saatin hindi mo ba namimiss ang mama mo?"

"Namimiss.." Ngumiti ako ngunit may kahalo itong lungkot..

"Yun naman pala eh! Magbihis kana at uuwi na tayo ilalagay ko lang tong mga gamit natin sa kotse."

Sinunod ko nalang siya nagtungo agad ako sa tinutuluyan naming bahay rito sa sitio at agad agad na nagbihis.

Nang makalabas na ako agad akong sumakay sa kotse.Sinimulan naman na niyang imaneho ito kaya wala na akong nagawa dumungaw ako sa bintana at inilabas yung Camera ko sabay kuha ng magagandang litrato bilang alaala sa sitio na to

Agad akong napadungaw ng may malaking mansyon akong nakita sa laki nito aakalain mong palasyo..

Sa hardin nito ay nahagip ng mga mata ko ang magandang batang babae na naglalaro sa hardin hinahabol niya ang makulay at medyo malaking paroparo.. Kaya Hindi ako nagalangan na kuhanan siya ng litrato..

Pero kasabay ng pagpindot ko sa camera ang pagbunggo namin sa isang nagrurumagasang kotse..

"Paaaapppaaa!!!" Napalingon lang to sakin at nginitian ako sabay ng pag agos ng mga luha niya at yun na ang huling ngiti niya na masisislayan ko sa buong buhay ko..

—E n d of f l a s h b a c k

"Masyadong mabait ang papa mo para mawala marami siyang naitulong sa bayan at sitio namin" wika niya bago ilapag sa tabi niya ang pinaginuman niya ng kape.

"Yun nga po eh hindi po talaga natin alam kung kailan tayo kukunin ng may kapal"

"Ang sakit lang isipin na mas matanda ako sakaniya pero siya ang nawala hindi sa gusto ko ng mamatay hahaha nakakapagtaka lang"

Ngumiti nalang ako sa kawalan.

"Maiba tayo iho!,paano nga ba kayo nagkakilala ni Jane at naabutan ko kayong ganon ang puwesto sa bukiran!" Natatawa niyang sambit.

Akala ko babanggitin nanaman ni Lolo yung MILAGRO eh.

Naalala ko tuloy..arghh!!

>_<!!!

"Kararating ko lang po kasi dito non,napagod ako kaya umupo ako sa gilid ng kalsada eh di ko naman po alam na sa ibaba ng kalsada ay bukid ang dilim po kasi..tapo nakarinig ako ng nagsabi ng "erey!"

Pag gagaya ko sa boses niya na ikina tawa ni lolo.

"Sinungaling binato mo kaya ko ng lata ng coke"

"Ay marimar!!" Gulat na sambit ni lolo taeng babae to bigla nalang susulpot.

Lumapit naman siya saamin at umupo.

"Nakakagulat ka namang bata ka!" gulat paring sabi ni Lolo maski ako nagulat pinaglihi ata to sa kabute.

Bigla biglang sumusulpot ehh

Tsss ang ganda niya naman para ipaglihi sa kabute tang*na ka naman Marcus tsk.

>_<!!

"Sorry po Lo,nagulat ko po kayo" paghihingi niya ng paumanhin.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng suot niyang bistida na bulaklakin ngunit..

--,--

Nakatsinelas siya.

Siguro dahil na din sa pagmamadali niya, nabanggit niya sakin noon na tumatakas lang siya..nagtataka ako kung bakit kailangan niyang tumakas o kung bakit siya pinagbabawalan ng mga magulang niyang lumabas.

Ano kaya yung raso niya, kung bakit bumabalik pa rin siya sa lugar na'to.

--

Gralack_Rose

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon